Chapter 2

400 4 0
                                    

Follow



Hanggang sa makalipas na ang limang oras na paghihintay ko, ganito parin ang eksena. Nakatulala sa langit at humihiling na maging ayos na sana ang lahat.


"Anong gagawin ko, Lord?" tanong ko sa kaniya.


Hindi ko narin alam kung paano maghahagilap ng pera, paano ako makakabangon kung puro upo nalang ako maghapon? Pero napapagod narin ako, gusto ko nalang magpahinga saglit.


Kung magmakaawa ako kay Doc na ilibre niya muna ako at babayaran ko nalang pagyumaman ako?


Pero mukha namang masungit. Pero wala namang mawawala kung hindi ko susubukan? Siguro dignidad ko lang ang mawawala.


Napasandal ako sa pader at hindi ko na alam ang iisipin ko pa sa susunod. Bahala na nga, kaagad kong pinagpag ang aking suot na spaghetti dress kahit pumunta akong nakaganito, wala naman na siguro silang pakialam.


"Nandyan po ba si Doc... uhm..." inisip ko muna ang pangalan niya dahil hindi ko alam ang pangalan.


"Si Doc Hundson Cutler?" tanong niya.  Kaagad akong tumango at pinunasan ang ilong ko.


"May sasabihin lang sana..." sambit ko.


"Okay, Maam. Nasa secondfloor po ang office niya, sa pangatlong room." Sabay ngiti.


Tumango ako sa kaniya at kaagad siyang pinuntahan, kakapalan ko na ang mukha ko. Kung ano mang sabihin niya sa akin ay okay lang basta mapasang-ayon ko lang siya.


Nang makapunta nasa office niya kalmado akong kumatok.


"Who's that?" tanong niya.


"Uhm... anak po ng pasyente." Paliwanag ko. Binuksan niya ito at nakakunot ang tingin niya nang makita ako.


Nang inilahad niya ang kamay tanda ng pagpasok ko ay ngumiti ako, at pinaupo niya ako sa sofa. Nakakailang lang kasi nakabukas ang polo niyang buti hanggang tatlong butones.


"Ano 'yon?" tanong niya.


Prenteng nakasandal sa lamesa niya at nakatingin sa akin. Lumunok ako ng isang boses at lumunok ulit.


"I said. What bring you here?" tanong niya.


"Naalala mo pa ba ako?" tanong ko. Kahit hindi ko alam kung matatapakan pa ang pride ko. Peke akong ngumiti sa kaniya at inirapan niya lang ako.


Kumamot ako sa ilong at hindi pa nakakarinig ng sagot niya.


"Yeah, ikaw 'yung babae kanina 'di ba?" hindi siguradong sambit nito na nagpakulo ng dugo ko.


Ako ang naka one night stand mo! hinayupak!


The Doctor Affection (De Viola #2)Where stories live. Discover now