Disclaimer

6 0 0
                                    

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, events and incidents are only in author's imagination. Any resemblance of actual person, living or dead are purely coincidental.



-




"Ano 'yan?" nang usisahin ko kung ano ang pinagkakaabalahan ng pinsan ko ay iniwas niya ang hawak niyang cellphone.



"Wattpad nanaman?!" bulyaw ko rito. Wala na kasi itong ginawa kung hindi magwattpad, kaya ako rito pinatira nila tita kasi nga hindi mautusan itong pinsan ko na 'to.


"Ano naman? nandito kasi ang mga asawa ko" kitang kita sa mukha nito na kinikilig siya.



"Ah, hindi naman nag eexist" sabi ko rito na nakapagpatanggal ng ngiti nito.



"Alam mo kuya sobrang panira ka, doon ka nga!" bulyaw nito sa akin. Totoo naman na hindi totoong buhay ang mga pinapantasya niya sa app na iyan. "Tatawanan kita kapag nabaliw ka rin sa wattpad, tamo" habol na pasabi nito



Ako? mababaliw? saan? sa wattpad? in her fucking wet dreams, wala akong oras at panahon diyan wala akong makukuha riyan kundi puro pantasya.




"Asa ka muna mga bente, lul!" bulyaw ko rito. Isang taon lang naman ang tanda ko sa pinsan ko na to kaya close kami.





Tumayo na ako at pumunta na sa tindahan, kailangan ko kasi ng pagkakakitaan ngayong bakasyon dahil gusto kong magpunta sa palawan para magsaya.






kasi nalalabi nalang ang araw kong puro saya, dahil sa kolehiyo raw hindi mo na maatim na ngumiti. Dahil kapag ngumiti ka raw ay parang may kakaiba.







2023.

Material WorldWhere stories live. Discover now