Chapter 24

19 1 0
                                    

Kenzo Villamar POV

Huminto ang kotse ni Kuya Steven sa tapat ni Jeremiah na nakaWhite polo shirt na may combo na Black sa Manggas at sa collar nya, NakaBlack 1/4 Cargo short sya at naka white Crocs din and He looks like a Nerd Next door, Nakasalamin sya at naka Earpods pa.

Ngumiti ito kay Kuya Steven ng makita nya kami sa harap, Pinagbuksan nya ako ng pinto at nang tuluyan akong makalabas ay yumuko siya sa kotse para batiin si Kuya Steven.

" Ahhmm, Kuya Steve Pwedeng ako nalang po maghatid kay Kenzo " Paalam ni Jeremiah.

" Anong oras mo siya iuuwi? " seryosong tanong ni Kuya Steven.

" Ahm, Anong oras po ba ang Curfew nya kuya?? " Magalang na tanong ni Jeremiah.

" 10pm " Sabi nito, Napatingin ako sa oras at nakitang mag na 9 na.

" Ang aga, kuya " Reklamo ko.

" Oh, Bakit? Magkakape lang diba? Sana iba yung ipinaalam at kung gusto nyo ng matagal tagal na kapehan sa susunod agahan nyong magkape " Nakangiting sabi ni Kuya Steven pero yung tono ng boses nya ay hindi nakalagpas sa pandinig ko, He sound very sarcastic at sana hindi iyon nahalata ni Jeremiah, Nakita ko naman agad ang pag ngiti ni Jeremiah.

" Don't worry po, Kuya Steven I'll Take care of him iuuwi ko po sya ng ligtas " Magalang na sabi ni Jeremiah, Tumango naman si Kuya Steven at pinaalalahanan pa ako bago nya kami tuluyang iwan.

Hinarap ako ni Jeremiah at itinuro kung saang coffee shop kami tatambay, Nakasunod lang naman ako sa kanya pero kapag napapansin nya akong wala sa tabi nya ay lilingunin nya ako para sabay kami maglakad

Pinagbuksan nya ako ng pinto kaya agad akong nauna at naghanap ng mauupuan, Siguro dahil sa anong oras na din ay iilan nalang ang mga taong nag stay dito, Pinaupo ako ni Jeremiah sa gilid lang ng Shop.

" Anong gusto mo? " Tanong nito sa akin at sabay kaming namili sa Menu na standing lang sa gitna ng lamesa.

" Matcha nalang ako, Frappe " Sabi ko kay Jeremiah, Tumango siya at agad nagtaas ng kamay para lapitan kami ng waiter.

" Yes, Sir? " Tanong ng Waiter at nagpalipat lipat ang tingin sa amin ni Jeremiah para alamin kung sino ang oorder.

" Isang Matcha Frappe nga po and Ice Cappucino, Tsaka Strawberry Cake po " Order ni Jeremiah, Nakain sya ng strawberry cake??

" Isang strawberry cake lang po? " Tanong ng Waiter.

" Hmm, Yah Pero dalawang spoon ah " Jeremiah, " Hati nalang kami ng Kaibigan ko " Pahabol pa na sabi ni Jeremiah at tinuro ang sarili nya tapos ako.

" Okay, Sir Right away po " Nakangiting sabi ng waiter bago umalis sa Table namin para ihatid ang order sa Counter nila.

Sumandal ako sa Malambot nilang upuan at naglabas ng Cellphone para magpicture at i-story sa IG, Pati na si Jeremiah na nakaside view dahil natingin sa paligid.

" Jeremiah, Tignan mo " Tawag ko kay Jeremiah at ipinakita sa kanya yung kuha kong nakapost sa IG, Hahaha.

" Uyy, Burahin mo yan hindi ako mahilig mag selfie haha " Jeremiah, Agad kong inilayo sa kanya ang cellphone ko tsaka ko nilabas ang dila ko ng konti para asarin sya.

" Ayy, Meron din ako " Sabi niya, Kaya agad akong nag angat ng tingin sa kanya dahil naglabas nya ang cellphone at nagkutingting duon, Inintay ko syang matawa kaya nangunot ang noo ko, Mukhang may ilalaban sya sa akin.

" Ano yan? " Tanong ko dito at sinubukan hawakan ang Cellphone ni Jeremiah para tignan ang tinatawanan nya pero hindi pa nag iinit yung daliri ko sa cellphone ay nilayo nya agad ito sa akin at ginaya ang pagdila ko ng maliit.

Ralph To Kenzo (BL) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon