"Mahal tara labas tayo, libre ko." bungad ni Knight sa kasintahan niyang si Flaye.
"Ayoko, kay Mary ka magpasama." pambabara naman ni Flaye sa kanya.
"At bakit nasangkot na naman ang kaibigan ko rito?" medyo iritang sambit naman ni Knight.
"Bakit, palagi namang siya ang kasama mo." walang ganang tugon ulit ni Flaye.
"Anong siya eh saka lang naman kami nagkakasama kung lalabas barkadahan. Pagkatiwalaan mo naman ako kahit minsan lang." naiinis ng sumbat ni Knight at parang nauubusan na naman ng pasensya't naiiyak.
"Pagkatiwalaan?! Ha?! Bakit nung nagtiwala ba ako sayo Knight anong ginawa mo sakin ha?! Wag mo hingin ang isang bagay na sinira mo mismo." Pagalit din na panunumbat ni Flaye.
"Kaya nga nagbago ako love di ba? Nagsisisi ako at bumawi sayo para patunayan mismo sayo na mahal kita at kinaya kong nagbago Flaye. Hawak mo na nga lahat ng account ko, ni nagkakasama na nga tayo sa iisang bahay ano pa bang gusto mo!" sigaw ulit ni Knight na parang nagmamakaawa na.
"Andito pa rin yung sakit sa tingin mo madali lang kalimutan ang lahat ng iyon ha?! Ganun ba kadali na walain ang sakit ha?! Wala kang alam sa dinanas ko wala kang alam sa hirap ko." naiiyak na ring sumbat ni Flaye at naalala na naman ang mga panahong nasaktan siya ng lubusan.
"Wala? Nagpapatawa ka ba? Nung panahong sinasabihan mo kong may babae, anong ginagawa ko? Diba pinapatunayan ko sa'yo na hindi iyon totoo?! Binibigyan kita lagi ng assurance! Pinapakita ko na nagbago ako kahit nasasaktan na rin ako. Inunawa kita kase nagkasala ako mismo sayo! Pero kahit anong gawin ko para sayo manloloko pa rin ako! Na ako yung taong nagloko at sinaktan ka! Bakit hindi mo makita pagbabago ko! Sana hindi mo na lang ako pinatawad kung ganito lang din naman!" Sigaw ni Knight tuluyan na ngang umiyak sa bigat ng nadarama
"Kung naiintindihan mo ako hindi ganyan ang inaakto mo! Ako yung sinaktan mo at hindi ikaw ang nakadama ng hirap na dinanas ko! Dahil sa ginawa mo kinukwestyon ko sarili ko kung ano nga ba ang kulang sa akin para gawin mo ang bagay na iyon!" sumbat pa rin ni Flaye
"Tama na! Ginawa ko na ang lahat ng makakaya ko para lang mapatawad mo ko't pagkatiwalaan ulit! Sinabi mo sa akin na pinatawad mo ko pero kada nag aaway tayo inuungkat mo lagi ang matagal ko ng kasalanan! Lahat na lang ng nakaaksalamuha kong babae eh para sayo ay kabit ko na! Diyan ka na kailangan kong magpalamig." Tugon naman ni Knight at tuluyan na ngang nawalan ng gana
"At saan ka na naman pupunta?! Mambababae ka na naman tatakas na naman sa problemang ito at pipiliing lumayo kesa ayusin?!" Pasigaw naman na sabi ni Flaye kasabay ng paghia niya sa kamay ni Knight sabay tulak sa kaniyang dibdib.
"Tama na, di lang tayo magkakaintindihan dito. Magpapataasan lang tayo't magsisisihan. Papalamig lang ako. Kelangan ko ng sariwang hangin. Kahit ano mang mangyari lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita kahit ang tingin mo sakin ay manloloko. Ginawa ko na lahat, hindi ko na alam ang gagawin ko." pagsuko ni Knight sa argumento.
"Bahala ka kung yan ang kagustuhan mo." sumbat naman ni Flaye at tinalikuran na lang bigla si Knight.
Nag drive si Knight habang magulo ang isip. Tinatanong kung ano pa ba kulang para lang pagkatiwalaan siya ulit. Pinaharurot niya ang kanyang sasakyan. Dahil doon niya nilalabas ang lahat ng kanyang sama ng loob at hinagpis. Ngunit sa kadahilanang magulo ang kanyang isipan hindi niya nakita ang humaharurot na sasakyan. Pinikit niya na lamang ang kanyang mata dahil sa kalinawagan at dumausdos na ang sasakyan sa kanyang motor.
Sa kabilang banda hindi naman mapakali si Flaye, gabi na at wala pa si Knight, nasaan na kaya iyon tanong niya sa kanyang isipan. Nang biglang may tumawag at bigla niyang nabitawan ang kanyang cellphone ng marinig ang katagang nasa kritikal na sitwasyon si Knight.
Sumakay siya sa sasakyan paderetso sa hospital. At agad niyang nakita ang katawan ni Knight na duguan ay inaasikaso na ng mga doktor.
"Knightt!! Lovee!! Kumapit ka lang love please lang hindi na mauulit, mahal na mahal kita. Pagbibigyan ko kagustuhan mo huwag mo lang akong iwanan." Sigaw at hagulgol ni Flaye kay Knight
"Love iloveyouuuu so much lagi mo yang tatandaan. Ikaw lang ang minahal ko ng ganito. Sana mapatawad mo na ako at huwag mo sisihin ang sarili mo kung ano man ang nangyari. Mahal kita Love mahal na mahal" tugon ni Knight na nahihirapan ng magsalita sabay haplos sa mukha ni Flaye.
"Ma'am lumayo muna kayo rito bawal na po kayo rito" sabi ng Doktor kay Flaye
Lumayo si Flaye habang unti unti niyang nabibitawan ang kamay ni Knight at napahagulgol na.
Nagdarasal ng taimtim si Flaye ng biglang lumabas ang Doktor.
"Paumanhin ma'am, ginawa po namin ang lahat ngunit maraming dugo ang nawala sa kaniya at malakas ang pagkakatama ng kanyang ulo"
Nagulat si Flaye at nagwala.
"Hindiiii!!! Hindi maari marami pa kaming dapat gawin, andami pa naming mga pangarap" sigaw ni Flaye. Hanggang sa siya'y nahimatay sa sobrang sakit.
Pagkagising niya'y napahagulgol ulit at inasikaso na ang lahat. Walang nagawa kundi tanggapin ni Flaye ang lahat ng nangyari na hindi na maibabalik pa ang lahat.
5 years Later.
"Hello love, kamusta ka na riyan? Hanggang ngayon ang hirap pa ring tanggapin. Paumanhin sa lahat ng aking nagawa, na sa paninisi ko sayo ay hindi ko na lang ginawa at mapalitan ng mga masasayang ala ala. Huling yaya mo na pala iyon sana pumayag na ako at di na pinairal pa ang aking galit at selos. I hope you're doing great there. I love you so much love. You will always be in my heart and I will never forget you. Ikaw ang nagsisilbing inspirasyon ko." Mga salitang binigkas ni Flaye ng dinalaw niya si Knight sa kanyang puntod.
Sising sisi si Flaye sa kanyang nagawang hindi pagpatawad. Na sa bawat away sana nila ay sinulit niya na lang para mas marami pa silang napagsamahan. Ngunit wala na siyang magagawa dahil wala na si Knight.
THE END.