TOW:002
Sven's Pov
Maaga akong natapos sa company, kaya maaga rin akong naka-uwi. Kung hindi lang siguro puro kabalbalan ginagawa ng dalawa kong pinsan baka mas mapapadali pa ang trabaho. Pero dahil puro babae ang inaatupag nila wala akong magagawa kundi tanggapin ang alok ni Lolo maging isang huwarang presidente ng Twilight Company.
Habang naglalakad ako papasok ng Hacienda, nakita ko ang isang hardinera na nakatunganga lang. Hindi naman siguro siya binabayaran ni lolo para maging tanga tsk.
"Are you done daydreaming?" sita ko dito.
Oras ng trabaho pero nalutang ang utak.
"Sir—"
"Hindi ka pinapasahod para managinip ng gising!" dagdag ko pa.
Tama lang na maging strikto ako sa mga trabahador sa hacienda. Kung magiging mabait ako aabusuhin nila ang kabaitan ko, katulad nalang ng ginawa nila sa mama ko noon. Kung sana buhay pa si Mama makikita niya ang mga achievement ko sa buhay.
I take a nap nang makarating ako sa kwarto ko. Bukas paniguradong maraming iuutos si Lolo, minsan gusto ko nalang pumatay ng mga pinsan tsk.
After taking a nap, may naisip ako na magpapagaan sa trabaho ko, kaya tinawagan ko agad si Lolo para sa plano ko.
"Hello, lo, I have a favor; can you give me an assistant or secretary?" Direkta kong sabi kay lolo.
[Sure, do you want me to post it para makahanap kana apo?]
"No need lo, gusto kong kuhain yung isang hardinera dito si Winter, pwede ba siya lolo?" Sana mag-agree si lolo para naman mawala kalutangan ng hardinera na 'yon.
[Bakit naman siya apo?] natatawang tanong ni Lolo na may halong pang-aasar, kung ang iniisip ni Lolo ay may gusto ako sa hardinera na 'yon malabo. I don't believe in love.
"Mali ang iniisip mo lo, sa tingin ko suit siya maging assistant ko para naman hindi na maging lutang yan habang nag-gagardening." seryosong paliwanag ko.
Sumang-ayon naman si lolo sa plano ko kaya pinuntahan ko agad ang maid's headquarter para ipasabi kay Manang na papuntahin si Winter sa kwarto ko
Wala pang sampung minuto nasa kwarto ko na agad si Winter.
"Are you done checking my room, Winter?" nakasandal ako sa desk ko nang madatnan ako ni Winter, para itong batang manghang-mangha sa kwarto ko dahil panay libot ang mata niya sa buong kwarto.
"Bakit niyo po ako pinapunta dito sir?" rektang tanong nito.
"As for today, inaalis na kita bilang hardinera ng mansyon."
Saglit itong natahimik at parang hindi makapaniwala sa sinabi ko, baka naman iniisip niya na aalisin kona siya?
"Sir wag po! Mawa kayo sa akin wala akong ibang mapupuntahan at makukuhang trabaho." pagmamakaawa nito sa akin.
Napisil ko ang gitna ng ilong ko dahil sa sinabi niya.
Pinaliwanag ko sakanya ang lahat na hindi ko siya aalisin, pero ililipat ko siya bilang assistant ko. Hindi sa tinatamad akong magpahanap ng panibago pero alam kong mas safe kung si Winter ang kukuhain ko mukha naman matalino ang isang ito at inusente malabong mahulog ako.
"Sorry po— natuwa lang ako" nahihiya itong napahiwalay sa akin dahil bigla nalang niya akong niyakap. Alam ko naman na masaya lang siya, kaya wala 'yon kaso sa akin.
"It's fine," said seryoso kong sagot.
After namin mag-usap lumabas na ito sa kwarto ko.
"Hoy Sven sino 'yon chics mo? naks."
"Hindi ba uso sayo ang kumatok Frost?" Minsan gusto ko nalang talaga lagyan ng maraming padlock ang kwarto ko dahil sa pagiging trespasser ng mga pinsan ko.
"Hindi mo ba ako namiss bro galit ka naman agad." biro nito sa akin.
"She's my personal assistant starting tomorrow, not my chic wag mo akong itulad sa inyo." How many times do I have to tell them that my attention and priorities are for our company?
"Chill bro, kaya ka nilalayuan ng babae dahil masyado kang masungit haha!" biro ni Frost.
"Ayos na ang maging masungit kaysa sa sobrang approachable at malapit sa babae to the point na araw-araw na yatang may babaeng napunta dito at hinahanap kayo ni Sid dahil nabuntis niyo sila tsk."
Minsan iniisip ko kung saan natuto si Frost at Sid sa pambababae— palibhasa hindi sila ang binigyan ng mabigat na tungkulin ni Lolo. Napabuntong hininga nalang ako at naglakad papunta sa minnie ref ko para kumuha ng beer.
"So si Winter na ang personal assistant mo? Sven pakiramdam ko siya ang babago sa kwento ng buhay mo."
"Frost pwede ba— inusente si Winter hindi ko iniisip na mahuhulog sa isang inusente at sa katulad niya." seryoso kong sagot.
Pero naalala ko yung kanina— yung mga ngiti ni Winter—I admit it makes her pretty. Fvck, Sven, what are you thinking? No, she's not pretty.
"Take care of Winter, Sven. I think magugustuhan ni Sid si Winter— pwede rin namang ako ang magkagusto sa kanya." nakangisi na wika ni Frost. Biglang nag-init ang bunbunan ko sa sinabi ni Frost, hindi manika si Winter na dapat nilang pag-agawan.
"Stop Frost, ang employees natin ay employees lang. Kung gusto mo ng babae marami sa labas. Nga pala lumabas kana sa kwarto ko may aayusin pa ako." Kalmadong utos ko dito bago pa ako mawalan ng kontrol sa sarili ko. Isa sa mga ugaling ayoko kay Frost yung biro niya minsan may laman na pambabastos.
Hindi narin ako magtataka bakit nakuha ni Winter nag atensyon ni Frost dahil maganda rin ito— pero hindi ako tulad ng mga pinsan kong marupok sa mga babae.
Wala narin akong oras para sa mga bagay na ginagawa nila Frost dahil sa akin nakasalalay ang buong company, ayokong ma-dissapoint si Lolo.
Ang company nalang ang meron si Lolo na ala-ala ni Lola, dahil sa kahiligan daw noon ni Lola sa pagsusulat naisipan nitong mag-build ng isang publishing house hanggang sa naging isang company na ito na kumukuha ng mga writers sikat man o hindi
"Wala naman akong talent sa pagsusulat pero bakit ako pa nakuha ni Lolo na magha-handle dito hayss." I just need to understand and learn how to manage this kind of field. I'm just a reader, not a writer.
________
BINABASA MO ANG
TEARS OF WINTER
General FictionWinter's dream is to become a well-known author for Twilight Publishing Company. The company is owned by the Savilles. To become closer to her dream, she applied to be the gardener at Hacienda Saville. But when she met Sven, everything changed.