Okay Lang Naman

26 1 0
                                    

Okay lang naman hindi ako nagmamadali

Tanggap ko ang iba't iba mong pasubali

Kahit umabot pa yan ng dekada, kung sakali

Sanay naman akong maghintay sa gitna ng tanghali

Okay lang namang paghinatayin mo ako

Alam ko namang hindi ako ang prayoridad mo

At alam ko rin namang iba ang iyong gusto

Pero naniniwala pa rin ako sayo

Okay lang naman na pagmukhain mo akong tanga

Porket alam mong kaluluwa ko'y nasa banga

Lahat gagawin ko makuha lang kita

Siguro ganto pag nagmamahal ka nga

Okay lang naman kasi Mahal kita

Handa ako sa sasabihin ng iba

Kahit pampalipas oras mo pinapatos ko pa

Ganyan kita kamahal, di ba

agapescrive's PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon