Okay lang naman hindi ako nagmamadali
Tanggap ko ang iba't iba mong pasubali
Kahit umabot pa yan ng dekada, kung sakali
Sanay naman akong maghintay sa gitna ng tanghali
Okay lang namang paghinatayin mo ako
Alam ko namang hindi ako ang prayoridad mo
At alam ko rin namang iba ang iyong gusto
Pero naniniwala pa rin ako sayo
Okay lang naman na pagmukhain mo akong tanga
Porket alam mong kaluluwa ko'y nasa banga
Lahat gagawin ko makuha lang kita
Siguro ganto pag nagmamahal ka nga
Okay lang naman kasi Mahal kita
Handa ako sa sasabihin ng iba
Kahit pampalipas oras mo pinapatos ko pa
Ganyan kita kamahal, di ba