Maeve
"Time of death 9:30 am"
Pagkarinig ko sa mga katagang iyan na sabi ng doctor, para akong nanlumo. Gusto ko nalang na lamunin ako ng lupa sa oras na iyon. Nanlulumo at nanginginig ang aking sarili.
"Uwi na muna tayo anak" sabi ni mommy
Umuwi kaming tatlo nina mommy at daddy ngunit sa loob ng kotse ay puno ng katahimikan. Walang makapagsalit sa amin dahil sa nangyari.
Pagkauwi namin sa bahay ay umupo kaming lahat sa salas.
"anak, maaari ba naming malaman ng daddy mo kung ano ang buong nangyari?" tanong ni mommy.
Humagulgol ako sa iyak at nanginginig ang buo kong katawan.
"Mommy sorry po. Sorry" tugon ko.
"wala kang kasalanan, anak. Walang may kasalanan. Walang may gusto sa nangyari. Aksidente ang lahat."
"hindi po mommy. Kung hindi niya nakita ang mga iyon, hindi siya aalis. Hindi sa tatakbo at hinding hindi siya tatakbo. Kasalanan klo po ang lahat mommy."
"nakita? Ano ang nakita ni Aria anak?" tanong ng daddy ko.
"gamot daddy. Mga gamot ko para sa depression" sagot ko naman habang humihikbi
"ano ba ang buong pangyayari anak? Tanong agad ni mommy
" naaalala niyo po mommy at daddy noong panahon na nagkaroon kami ng tampuhan ni Aria? Nagsinungaling po kase ako sa kaniya. Dahil sa kondisyon ko at sa pag inom ng mga gamot. Kaya noong nagka-usap na kami ay nangako kami wala nang maglilihim sa amin at sasabihin namin ang lahat sa isa't isa. Kaso hindi ko po napanindigan yung pangako namin. Kaya nung nagpunta po siya dito sa atin at pumasok sa kwarto, nakita niya po yung mga itinago kong mga gamot. Nagalit siya at tumakbo papalabas ng bahay natin. Sinubukan ko po siyang habulin para makapagpaliwanag pero naging huli na ang lahat." Utal utal kong pagkukuwento.
"wala kang kasanalan anak, okay? Walang may gusto sa lahat ng nangyari. Ang lahat ng mga nangyayari ay may dahilan."
"hindi po. Kasalanan ko po iyon. Ako ang dahilan ng pagkamatay ng bestfriend ko"
"mahaba ang panahon para ayusin moa ng sarili mo anak. Hindi magiging madali pero alam kong kaya mo. Nandito lang kami ng mommy mo anak."
Pagkatapos ng usapan namin nina mommy at daddy, nagtungo agad ako sa kwarto at pinagmasdan ang larawan namin ni Aria.
Umiiyak ako habang kinakausap ito at humihingi ng patawad sa kanya.
"Aria, hindi ko sinasadya. Hindi ko ginusto ang lahat."
Nagulat ako dahil biglang nagpakita si Aria at sumagot sa aking sinabi.
"Kasalanan mo ang lahat! Hindi ako mabubunggo kung hindi dahil sayo! Wala kang kwentang kaibigan!" Pasigaw na sagot nito.
"Hindi... Hindi ko sinasadya ang lahat"
"babalik ako at magdudusa ka sa ginawa mo sa akin!"
Sa pagkakabigkas ni Aria ng mga katagang iyon ay babatuhin na niya ako ng kutsilyo nang bigla akong nagulat.
Panaginip. Panaginip lang pala ang lahat. Ngunit bakit siya nagpaparamdam? Bakit siya nasa panaginip ko? Hindi kaya gusto niyang gumanti sa akin?
Dali dali akong pumasok sa banyo at uminom ng gamot para maibsan ang aking nararamdaman.
Nang kumalma na ako, napag-isipan ko na magpunta sa parke kung saan paborito naming tumambay ni Aria.
Naglakad ako papunta roon nang bigla kong nakita si Aria sa may upuan at parang may hinihintay. May nakalatag na banig at maraming pagkain ang kaniyang inihanda. Nagtungo agad ako sa kanya at kinausap.
YOU ARE READING
TALIMUWANG
Teen FictionPagmamahal kaya ang lunas sa nakaraan o pagmamahal ang sisira sa kasalukuyan?