Buong gabi ko lang inisip ang mga nasabi ko. Naoffend ko ba sya? Hindi ko naman sinasadya, nagtatanong lang ako ng normal. Wala na kaya syang tatay? Ugh! Dapat kase nagiingat ka sa mga salita mo Maddi eh.
Nakakaguilty naman, should I say sorry ba? AA.
"Uy Maddi" Napatingin naman ako kay Jake. "Pasok ka na rin? Boring naman sa Class 1 eh, tara ikot ikot tayo" wika nya. Papasok na kase kami, pero maaga ako ng 30 minutes. Tinanguan ko na lamang ito.
"Di ba sumasabog utak mo sa mga extra subjects nyo" tanong nya. "Anong choice ko, scholarship lang naman ung dahilan bat ako nandito" sagot ko. Napahinto naman ito at nakangiti.
"Woah! Ang angas mo kausap, ikaw ang pinaka maayos kong nakausap, maliban sa mga tropa ko" saad nya, kumunot naman ang noo ko.
"Siguro kung si Kia o Lorie kausap ko ang isasagot nun, bobo ka kase HAHAHAHA" napatawa nalang din ako. Speaking of Kiara, asan kaya sya? Gusto ko sana manghingi ng sorry sa kung ano mang nagawa ko.
Ayoko lang na makaramdam ng guilt no, kung wala naman akong kasalanan, hindi ko ulit sya papansinin.
"U-uh asan pala sila?" tanong ko. Nagisip naman ito. "Si lorie papunta na rin siguro yon, si Kia basta nandito lang yon, puntahan mo buong club, nandun sya sa mga isa don" tawa nya.
"Hindi ko naman sya pupuntahan" agad na wika ko. Nagtaka naman ito sa reaksyon ko. "Im saying it in general" wika nya. Yumuko na lamang ako.
"Woi jake, naks bago mo?" asar sa kanya ng mga lalaki nang makita kami. Tumawa naman si Jake. "Gago" saad nya at binato sila ng papel. "Wag mo na pansinin yang mga yan" saad nya sakin. Napangiti na lamang ako. Si Jake din yung pinaka kavibes kong nakilala ko dito. Sya pinaka normal dito sa totoo lang.
"Jake pinapapunta ka sa Office" tawag sa kanya ng isang Officer ng school. Kumamot na lamang ito sa ulo nya.
"Tara hatid na kita sa room nyo muna" wika nya. Naramdaman kong uminit ang pisnge ko kaya umiwas ako ng tingin. "A-ah hindi na, magiikot ikot pako, m-mauna ka na" utal utal kong wika. Tumango naman ito at ngumit bago umalis.
Jusko ka Maddi, ano yon? Sinubukan ko na lang kalimutan iyon. Nga pala, si Kiara. Pumunta ako ng Music Club, dahil dito ko ito nakita dati, ngunit wala sya don. Sunod ay ang Chess Club, Math Club, Badminton Area, Court, pati sa Swimming Are ay wala ito. Halos lahat na ng club ay napuntahan ko na. Oo nga pala, ung Tennis.
Di nga ako nagkamali at nandito ito. Magisang naglalaro. Huh, diba kailangan ng kasama para makalaro. Dahan dahan ko itong nilapitan. Nakita nya naman ako ngunit di ako pinansin.
"Uh.... Hindi ko alam kung bakit ako nandito, pero, i feel guilty kase sa jeep station kahapon, did i say something na... kinaga-"
"Your presence annoys me" malamig na tugon nya nang hindi ako hinaharap. Huminga nman ako ng malalim upang pigilan ang galit ko.
"Okay, ayoko lang na makaramdam ng guilt kaya magsosorry ako kung may nasabi man ako" wika ko rito. Patuloy parin ito sa paglalaro. Ang pader ang nagsisilbi nyang kalaro. "I said sorry" Di parin ako nito pinapansin.
Aalisan ko na sana ito ng magsalita ito.
"Play with me" Tinignan ko ag Tennis table.
"Hindi ako marunong" deretsong saad ko.
"I know" Ngayon ay tinignan na ko nito. "Be my opponent" Napahinga na lamang ako ng malalim.
"I don't accept apologies, I want something in return"
___________"Loosen your grip" utos nya sa akin. Hindi ko maintindihan ang sinasabi nito, at wala akong maintindihan. Humawak ito sa sintido nya na parang pinakalma ang sarili.
"Okay, this is what you call paddle" turo nya sa hawak ko pang sangga sa bola. "You must hold it loosely to allow your wrist to move freely." saad nito. Hinawakan nya ang kamay ko at pinwesto iyon sa paddle. Nakatingin lang ako sa kamay ko.
"Focus" pitik ng mga daliri nya. Napaubo na lamang ako. "Hold it" wika nya, hinawakan ko naman ito ng maigi. Nagulat ako ng hilain nya iyon pero di nya mahila dahil hinigpitan ko iyon.
"I said hold it loosely" Inayos nyang muli ang pwesto. "You need to hold it loosely for your force for return will come from your wrist, not from your arms" Wika nya at inagaw muli ito. At nakuntento na ng medyo nahihila nya ito.
"There are two types of play in playing tennis, Single and Double, we're playing the single. I play the serve, once the balls bounces and it goes on your table, you must return it on my side" Wika nya. Ahh parang badminton. Pinabounce nya na ito sa side ng table nya at pupunta na ang bola sa side ko kaya hinampas ko ito. Tumama naman ito sa net sa pagitan namin.
"One point for me" wika nya. Ganun ba yon? Edi parang nagbabadminton lang ako. Muli syang nagserve ngunit tumama rin ito sa net.
"One point for me! madali lang pala eh" sigaw ko. "That's let." sagot naman nya. "Maduga ka!" saad ko rito. "I am the server, if the server hits the net on a legal serve, the serve is a "let", Understood? That means kelangan kong ulitin ung serve with no points scored." paliwanag nya.
"Tapos ako kanina bawal?"
"It's also goes same when you're the server, but when you're the returner, magkakaroon lang ng points pag natamaan mo ung net pero nagbounce parin sa side ko, at di ko nasalo" wika nya.
"Ang hirap naman" reklamo ko. "Kasali ka sa tennis club, you should search and learn about this" wika nya. Kanina pa to english nang english.
"Bakit mo ba ko tinuturuan, ayaw mo non madali kang mananalo" sigaw ko rito. Tumaray lang ito. "Ayoko ng boring na laban, gusto ko may thrill" saad nya. Kinuha nya na ang mga gamit nya.
"Oh akala ko ba maglalaro tayo" tanong ko rito.
"An hour with your presence is so suffocating, do u expect me to waste my time teaching you?" wika nya at naglakad palabas.
"Tinanong mo ba ko kung gusto kita makasama ha?!" sigaw ko rito. Inis kong hinampas ang bola. Bwiset. Paiba iba nga mood nya, kanina ang okay okay nya magpaliwanag. Bwiset sya. Inis kong kinuha ang mga gamit ko. Tinignan ko ang oras. Shit late na ko.
______________Halos katapat ko na ang room at nakitang kapapasok lang ni Sir sa room. Kaya nakahinga ako ng maluwag. Pumasok na rin ako ngunit hinarang ako ni Sir.
"You're 5 minutes late, Ms. Salazar" wika nya. Aba late rin naman sya ah! Tinignan ko ang tablenya. Nakaset na ang mga gamit nito. Haha baka nga lumabas lang sya saglit. Teka si Kiara late rin naman ah!
"This is a warning, I don't like to see you being late again, Ms. Salazar. Scholar ka pa naman" saad nya. Yumuko na lamang ako papunta sa upuan ko.
"Are you okay?" tanong sakin ni Lorie. Tinanguan ko na lamang ito. Lumipas na ang mga oras at nagising ako. Nakatulog pala ako. Buti di ako nakita ni Sir.
"You're already awake, wag ka magalala, di ka nakita ni sir, cr lang ako, sama ka?" Tumango na lang ako. Nagcr na kami at pagbalik ko ay may Coke na sa table ko. Tinignan ko ito at may sticky note na nakadikit dito.
"To keep you awake, I'm sorry" Tumingin ako sa paligid. Kanya kanya silang ingay. Kanino galing ito?
"Ano yan?" tanong sakin ni Lorie kaya pinakita ko ito. "Wow secret admirer yarn?" wika nya at tumawa. Tinignan ko ito muli. Parang nakita ko na somewhere yung Handwritten na to.
__________________
