Hello. Sarreh for the late UD ^__^SOPHIE'S POV
3 months had passed and yeah, eto pa rin ako umaasa. Naguguluhan siguro kayo sa akin. Hahaha. Si author kasi e! Lul.
Natapos ang pasko at bagong taon at mamaya ay Prom Night na namin. I really don't know kung isasayaw ba ako ni Eros o hindi. Basta bahala na si batman. Sabi nina Zia at Erin go daw. Pero kasi ayoko mag expect.
Expectation hurts kaya.
Ayoko talaga umattend sa mga ganitong ek ek. Tss. Ayoko ng nagmemake up, ayoko ng nagsusuot ng gown at heels, ayoko ng pinagtitinginan ako at lalong ayoko ng mga sayawang happenings. Pero kasi hindi pwedeng hindi umattend, required lahat. Letche!
May pinapuntang hair stylist at make up artist si mama dito sa bahay. Yan na nga ba ang sinasabi ko e. Tssk. Ready na din yung gown na susuotin ko. Fitted long gown na kulay red. Hahaha. Hindi kasi ako marunong mag describe e lol. Basta madaming kintab kintab. XD
Sinimulan na akong ayusan nung dalawang beki na mas mukha pang babae kesa sakin.
Matapos ang 3 hours, hay salamat natapos din!
"Oh my god Sophie you're a goddess!" Sabi nung baklang nag ayos sa buhok ko.
"Perfect!" Sabi pa nung nag make up sa akin. Patalon talon pa siya. Nakakahiya tuloy kaya nginitian ko na lang sila.
Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin.
Oo nga no. Parang hindi ako to. Ang fierce kong tingnan. Yung mata ko ang kapal ng eyeliner at ang haba ng pilik mata, tapos tumangos din ang ilong ko at red na red ang lips ko. Yung buhok ko naman kinulot tapos nakalugay lang. Simple pero bumagay sa damit at ayos ko.
O sige na nga. Payag na.
Maganda na ako. Chos!
Biglang bumukas ang pinto at bumungad sa akin si Mama at yaya kasama sina Erin at Zia.
"Sino ka at bakit ka nandito? Ilabas mo si Sophie! Hoy Sophie! Lumabas ka na diyan! Aalis na tayo! Hoy bruha nasan ka ba!" Sigaw ni Erin. Hahaha. Gaga talaga to! Kunyari pa e.
"Hoy gaga! Ayan o nasa harap na natin si Sophie!" Sagot naman ni Erin.
"Ang ganda ganda mo anak Salamat Orange and Lemon sa pag aayos sa baby girl ko'" Puri ni mama. Kakahiya! Hahaha.
"Tara na guys! Nag iintay na ang sundo natin sa baba." Excited na sabi ni Erin.
Sundo?
Sino naman?
"Sinong sundo natin Erin?" Tanong ko sa kanya.
"Si Manong Edwin."
Ay driver pala nila.
Akala ko kung sino. Hays.
Pagbaba namin nakita na namin ang kotse nina Erin tsaka si Manong Edwin. Inalalayan niya kami papasok sa kotse.
Malapit lang naman kaya mabilis kaming nakarating sa school. Third year lang lahat ang naririto sa prom. Bukas pa ang sa fourth year kasi masyadong madami pag pinagsama.
Agad kaming dumiretso sa aming pila para sa grand entrance. Good thing at magkakaheight lang kaming tatlo kaya magkakasama pa din kami. Ang gaganda at ang gagwapo ng mga kaklase ko!
BINABASA MO ANG
The Battle for Love
JugendliteraturNagmahal, nasaktan, naiwan, nagtiwala, natuto, nagmahal ulit.