Chapter 4 (Court)

10 2 0
                                    


I was speechless!

Wala ako sa sariling nagpaalam sa kanya pauwi pagkatapos niyang mag-confess sa 'kin.

Gago! First time ko na may nag-confess na ganoon! Ganito pala ang feeling.

"Hoy, tulala ka na naman d'yan!"

Bigla akong napatingin kay Iris. Nandito kami ngayon sa maliit naming sala at nanonood ng k-drama.

"'Te,"

Lumingon ito sa akin. "Oh?"

"Vale likes me." saad ko.

May parang hangin na dumaan sa 'ming dalawa. Ilang segundo siyang natahimik bago ako hampasin.

"Aray, pota!"

Nagmamadali siyang tumayo at inalog-alog ang balikat ko na halos kinahilo ko.

"Sh*t, chubs! Sabi ko na, eh! May hunch talaga ako na gusto ka niya! Hala, nagdadalaga na ang chubs ko!" ani na may kasama pang pag-iyak.

Kinunutan ko siya ng noo at tinulak. Natumba siya sa tabi ko kaya napasimangot ako. Dapat sa lapag!

"Paano mo naman 'yan nasabi? Sa 'kin? May magkakagusto? Ha! Imposible, Iris."

"Gaga, kaka-confess nga lang sa 'yo, eh!"

Nanatili ang simangot kong mukha. Iniisip kung paano niya ako nagustuhan. I mean, reasonable naman na magkaka-crush ako sa kanya kasi syempre, be! Gwapo, matalino, responsible, respectful, mabango, masipag, marunong magluto, at madami pa!

Pero sa akin? Just f*cking how?

Sa pogi niyang 'yon nagkagusto siya sa isang katulad ko? Na average looking lang? Mataba at... mataba!

"Bakit? You have your own looks, Real! Nakailang boyfriend ka nga noong high school—"

"'Te, mga childhood friends ko lang 'yon at tsaka mga gago 'yon, eh. Gusto lang ako kasi nakikitang umaalog 'yong dede ko kapag tumatakbo kaya gusto nila ako. 'Di ko nga dama na may gusto sila mismo sa 'kin."

Napakamot sa ulo si Iris. "Oo nga, 'no? Naalala ko na may inaway pala ako dati kasi ayaw mo ipahawak 'yong dyoga mo kahit kayo na."

Agad akong kinalibutan nang maalala 'yon. Naramdaman kong tumaas ang balahibo ko sa buong katawan. Shuta! Nakakadiri lang!

Kaya simula no'n hindi na ako pumasok pa ulit sa isang relasyon. Busy na nga ako sa pagttrabaho at pagbabayad ng tuition ko 'tapos magdadagdag pa ako?

Okay sana kung makakatulong 'yan sa 'kin pero hindi naman.

Hm... pero pwede naman na siguro ngayon kasi may stable job na ako.

Real, ang landi!

* * * ^ * * *

Ngayon na ang araw na babalik ako sa trabaho. Dalawang araw lang naman ako hindi pumasok ngunit kabadong-kabado ako. Hindi ko alam kung bakit.

Nasa pinto palang kami ni Iris ay parang ayaw ko nang humakbang papasok.

"Good morning, ma'am!" bati ng guard.

Guard?!

Sabay kaming napalingon ni Iris sa isa't-isa.

"Bago lang po kayo rito?"

"Ah, oo. May nangyari kasing insidente kaya nag-hire raw ng security. May dalawang lalaki rin ang kaka-hire lang kahapon." saad ni Manong.

Napatango-tango ako. At least alam kong hindi na mangyayari sa 'min ang nangyari sa akin noong nakaraan.

"Ay, ako nga po pala si Real. Ito po si Iris, kami po 'yong morning duty."

Stream for Love (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon