Chapter 5 (Tournament)

7 0 0
                                    


"Gaga ka! Sinabihan ka ng 'mahal kita' 'tapos sinagot mo ng 'thank you'?!" mas malakas pa sa chismosang sabi ni Iris.

Hinampas ko siya sa hita. Alas diyes na ng gabi 'tapos nagsisigaw pa siya. Baka mamaya bigla kaming batuhin ng bato dahil sa lakas ng boses niya.

"Baliw, ano naman ang isasagot ko?"

"Na mahal mo rin siya?" sinamaan ko siya ng tingin. "I mean— maybe at least say 'I like you'. Oh, ano naman sagot niya sa pagpapasalamat mo na mahal ka niya?"

Naalala ko ang mukha ni Vale nang sinabi niya 'yon.

"Tumawa siya... tapos nag-you're welcome... nag-you're welcome, be! Kung ako ata tinanong ng ganoon tapos sinagot ko 'yon baka nagbigti na ako."

"'Te, walang lubid na may kaya sa bigat mo."

Binato ko siya ng unan. Bwisit! Kung kailan seryoso saka roon manggagago.

"Alam mo ikaw, 'di ko alam kung kaibigan kita o pinaplastik mo lang ako."

"Ay 'te, sino bang may sabi na hindi tayo nagpaplastikan?"

Parehas kaming natawa. Nakakainis 'tong mata na 'to, eh. Sarap hugutin ng eyeballs!

"Tanga mo kasi! Halatang sa lahat ng naging boyfriend mo walang nanligaw sa 'yo. Pa'no ba naman kasi, isang araw palang sinasagot mo na."

Napasinghap ako. Ano 'to? Ungkatan ng past?!

"Hoy, mga childhood friends ko lang 'yon."

"Ulol! Childhood friends mo na pwede mong laplapin!"

"Kaysa naman sa 'yo na NBSB. Walang experience sa laplap. Tanga, sabi ko sa 'yo sagutin mo na rin si Bryan para naman hindi na tagtuyot ang petchay mo."

"Real Rivera, alam mo punyeta ka!"

Binelatan ko siya.

Sa akin pa rin ang huling halakhak!

Huwebes ng gabi nang pumunta si Vale sa cafe. May hawak siyang sobre at naghihintay sa 'kin.

Para tuloy siyang kawawang tuta roon sa table at nakatunganga lang. Hindi niya rin binibitawan ang hawak. Ano ba 'yon? Milyones ba ang laman no'n para humigpit ang kapit niya?

Nang matapos ang night shift namin ni Iris ay nagpaalam siyang mauuna nang umuwi at tinatawag na raw siya ni mother earth. Iniwan talaga ako ng gaga kasi alam niyang ihahatid ako ni Vale pauwi!

"Vale,"

Tumayo siya sa aking harap. Umangat kunti ang ulo ko para tingnan siya. Grabe talaga ang biyaya sa kanya! Ang perpekto niya sa paningin ko!

"Real... would you like to watch my game?" saad niya sabay bigay ng sobre.

Nagtataka ko siyang tiningnan at binuksan. Kanina pa tuloy ako naku-curious kung ano ba ang laman nito.

Dalawang ticket. Ticket para sa isang game tournament. Nakasaad doon ang araw at oras ng paggaganapan. Nabasa ko rin doon ang pangalan ng team nila.

"Ha?! Bukas agad?" gulat kong ani.

Kumurap ang mata niya. Pota naman! Bakit ang cute ng pagkurap ng mata. Ah!

"Bakit? Are you busy? I'm sorry—"

"Eh, graveyard namin bukas, Vale. Lilinisin namin ang buong cafe at magi-inventory. Sorry, Vale."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 02 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Stream for Love (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon