06/03/15
-------Napatigil ako sa pagiyak ng bumaba sila mommy kasama nong lalakeng kasama niya habang buhat buhat si ate.
Anong nangyayari? Paano nila nalaman na dito kami nakatira ni ate? At bakit nila buhat buhat si ate?At sino ba yang lalaking kasama ni Mommy?
Ano ba talagang nangyayari? Sa totoo lang sobrang naguguluhan na talaga ako !
"M-mommy,bakit----"
"Kasalanan mo kong bakit siya nagkakaganyan"
Napakunot ang noo kong napatingin sa kanya.
"Huh? M-mommy"
"Wag mo akong tawaging mommy"
Ouch.Ang sakit,wag ko daw siyang tawaging mommy.Wow haha just wow,ano bang naging kasalanan ko sa kanya?
"S-sige.Pero sabihin mo m-muna sa akin kong anong nangyayari.K-kong bakit ka pa nagpakita sa amin kong s-sasaktan mo lang din kami.Kong bakit mo kami ini--"
"Wala akong oras para sayo.And why would I waste my time just to answer your nonsense questions?"
Nonsense? Natulala na naman ako sa sinabi niya.Tuloy tuloy lang ang pagagos ng luha ko sa mga mata ko.Hirap akong huminga dahil sobrang bigat talaga sa dibdib yong mga pinagsasabi niya.
Is she really my mother? Ang sakit lang na sa kanya pa mismo nanggaling ang mga salitang iyon.
"W-Why?"
"Because she don't want to waste her time with you.Sa una palang,she really don't care about you.Kaya wag mo ring aksayahin ang oras mo kakaisip sa kanya at kay Namae.Siguro ito na ang huling pagkikita kita ninyo"
Yong lalake naman ang nagsalita.Sino ba talaga to? At anong pinagsasabi niya?
"Sinungaling ka ! M-mommy hindi naman yon t-totoo diba? Mommy pinapatawad ko na po kayo wag na po k-kayong umalis u-ulit"
Itinulak niya ako dahil hinawakan ko yong dalawang kamay niya.Tinulungan akong bumangon ni Lei.
"Pinatawad? Kelan ba ako nagkaroon ng kasalanan sayo?Haha nagpapatawa ka ata bata"
Hindi na naman ako nakaimik sa sinabi niya.Masakit nong tinulak niya ako pero walang wala iyon kumpara sa nararamdaman ko ngayon.
Ang sakit dahil ngayon lang ulit kami nagkita pero tinatakwil pa niya ako.Bakit ako lang? Mukhang okay naman ata sila ni ate.
"Saan niyo dadalhin si ate?"
Aalis na sila pero hinabol ko.Saan nila dadalhin si ate?
"Ano ba Lei!" Gusto ko silang habulin pero nakaalis na sila
"ATE ! "
Napaupo nalang ako habang napahagulhol na tinitingnan ang sasakyan kong saan sumakay sina Mommy.
Putik talaga oh ! Bakit ba ang swerte swerte ko? Nakakasal na,nakakasakal nang maiwan.Sawa na ako sa pangiiwan nila.Ayoko na,kong maaari gusto ko nang mamatay.
Bakit lagi nalang akong naiiwan?
Napatingin ako sa langit
"Ano bang nagawa kong kasalan sayo?Pwedeng pakibawasan ang pagiging maswerte ko?"
"Babs tama na,tahan na"
Tinabig ko yong kamay ni Lei nong hahawakan na sana uli ako tapos tinawanan ko siya.
BINABASA MO ANG
You're lucky,I'm inlove with you(ON HOLD)
Novela JuvenilIsang Ordinaryong pagmamahalan ang meron sila.Gaya ng ibang love story ang istorya ng pag-iibigan nila.Maraming susubok sa kanilang samahan.Sa lahat ng pagsubok nila,iisa lang ang itinatak nila sa kanilang isipan.Understanding,naniniwala sila na kap...