Thank you!

5 1 0
                                    

Pagdating ni Mans sa clinic ay agad itong lumapit para kamustahin si Sara. Ngunit bago pa man ito makapagsalita ay nagsalita na si Sara.

Mans, salamat nga pala dahil dinala nyo ako agad dito sa clinic. Pasensya na rin kung hindi kayo naka-attend ng 2nd subject kanina dahil sa pagbabantay sa akin. I owe you one!

"Okay lang yun, Sara! Kumusta na nga pala pakiramdam mo? Masakit ba ulo mo?" tanong ni Mans.

"Medyo may konting hilo pa but I'll be fine. Dahil siguro sa sobrang init kanina at yung nalipasan pa ako ng gutom. Hindi kasi ako nakapag-breakfast bago umalis ng dorm." sagot naman nito.

Ayan, kaya next time kumain ka kahit tinapay para may laman ang sikmura mo. Okay?

"Yes, sir!" sarkastikong sagot ni Sara

Naputol ang pag-uusap ng dalawa nang biglang tumayo si Bruce at lumapit sa kanila

Ahem, excuse lang po sa moment 'nyong dalawa, ano po? Pwede na ba tayo umuwi? May rampa pa ako mamaya oh.

"Ayy, sorryyy. Eto na tatayo na po" natatawang sagot ni Sara

Alalayan na kita, Sara.

Thank you, Mans!

Makalipas ang 10 minuto ay nakaalis na sila sa clinic.

Naglalakad na sila palabas ng campus at noong malapit na sa may gate ay biglang nagsalita sa Mans.

Sara, malapit lang ba ang dorm nyo dito ni Bruce?

Uhmm, mga 3 kanto lang naman. Bakit?

"Ihatid ko na kayo, kunin ko lang ang kotse ko dyan sa may tapat ng convenience store. Hintayin nyo na lang ako dito" ani Mans

Naku, Mans 'wag na.. mag-taxi na lang kami ni Bruce. Sobra na kita naabala ngayong araw na 'to.

I won't take no for an answer, Sara. Let me take you home.

"Tara na, 'day! Pumayag ka na kasi", pag-aya ni Bruce sa kanya

"Okay, sige na nga. Ano pa bang laban ko sa inyong dalawa?" natatawang tugon nito

"Pakipot pa, papayag din naman pala. Ang haba ng buhok mo, Inday Sara!" pang-aasar ni Bruce

"Lagot ka talaga sa akin mamaya" sabay kurot ni Sara sa tagiliran ni Bruce

Ilang minuto pa ay dumating na si Mans.

At dahil nasa mood si Bruce na asarin si Sara, naisipan nito na pagtabihin sila ni Mans

"Inday, doon ka sa harap umupo"

"No! Dito na lang ako sa likod" asar na pagtutol ni Sara

Doon ka uupo or sasabihin ko kay Mans na crush mo sya?

Fine! Quota ka na sken ha.. Lagot ka talaga sa akin mamaya.

Binuksan na lamang ni Sara ang pinto ng kotse at umupo sa tabi ni Mans.

"Okay na kayo guys? Turo nyo lang kung saan yung dorm nyo ha" ani Mans

Makalipas ang 20 minuto ay nakarating na sila sa dorm nina Sara at Bruce.

"Salamat sa paghatid, Mans.. Bukas uli. Hahahaha" natatawang sabi ni Bruce

"Mans, pagpasensyahan mo na itong kaibigan ko ha. Bakla na, makapal pa ang mukha. Pasensya uli sa abala at salamat sa paghatid" ani Sara

"Walang anuman, Sara" tugon ni Mans

"Sige, aakyat na kami. Mag-iingat ka pag-uwi. See you tomorrow!" paalam ni Sara.

Bye Sara! Bye Bruce!

Ilang sandali pa ay umalis na si Mans.

I Honestly Love YouWhere stories live. Discover now