Nagaayos na ko ng gamit ko, dahil uwian na. "Any plans tonight?" tanong sakin ni Lorie habang nagaayos din. "Ililibre ko si Jake sa karindeya, tinulungan nya kase ako dun pinapapirma" sagot ko rito. Tumango tango naman ito.
"Buti nagkakamabutihan kayo ni Jake no? Medyo makulit lang yon, pero maganda maging kaibigan yon" Ngumiti naman ako at umiwas ng tingin. "Playboy nga lang" saad nya at tumawa. Nawala naman ang ngiti ko. So what, buhay nya naman iyon.
_______________"Hule ka! Aba aba tatakas ka no?" Nagulat naman kami ng sumulpot si Jake sa harapan namin habang naglalakad.
"Di pwede nagpromise ka eh" saad nya. Napahinga na lamang ako. "Hindi ako tatakas, papunta nga kami sayo eh" sagot ko. Tumingin naman ito kay Lorie. "Sasama ka rin? Hep, ako lang ililibre nya, dala ka sarili mong pera" saad nya kay Lorie na ikinatawa ko.
"Bilhin pa kita" tugon lang ni Lorie. Patago nya ipakita ang sweetness nya para sa kaibigan nya eh. Sumimangot naman si Jake. "Wag ka na nga sumama" wika nya at inakbayan ako. Ramdam ko namang namula ako roon.
"Kami nalang ni Maddi- Uy! Kia! Gusto mo rin ba sum- luh" Hindi sya pinansin ni Kiara. Tinarayan pa sya nito.
"Problema nun?" tanong nya kay Lorie. "Mood swings" sagot naman ni Lorie at nagtawanan kami.
____________"Yun oh langkaaaaa" sigaw ni Jake na paramg bata nang maihain sa harap nya ang langka. Ngumiti naman ako. "Hmmm, masarap ah!" bati ni Lorie sa pagkain.
"Oo masarap talaga yan, yan ung inorder ni Maddi nung nakaraan eh" wika ni Jake. Natatandaan nya pa yon? Yumuko na lamang ako at kumain.
"Mhm! Kamusta pala ung sa surfing mo, syaka tennis?" tanong sakin ni Lorie kaya napaubo ako. Agad naman akong binigyan ng tubig ni Jake. "Woa sporty ka pala" wika ni Jake.
"Uh... ung tennis, di talaga ko marunong eh, pero tinuruan ng mga basic knowledge ni K-" Naghihintay sila ng susunod. I cleared my throat. "I mean, may alam naman nako konti, and ung Surfing, di ako marunong lumangoy, di ko alam gagawin, pero sabi mo nga discover new things, siguro itatry ko nalang" sagot ko.
"I can teach you tennis" saad ni Lorie. "Talaga? Salamat ah!" saad ko. Medyo magulo pa rin ang muka ni Jake pero tinago nya ito sa ngiti.
"Turuan kita lumangoy" saad naman ni Jake. Nagkatinginan kami ng medyo matagal nito. Umiwas nalamang ako at kumain na. Ang init jusko.
_______________Umaga na, naglalakad kami ngayon ni Lorie, papasok. Nagkasalubong kase kami sa gate kanina.
"So sa Friday pupunta ka sa place ko diba?" Oo nga pala, nagkausap kami kagabi na magpractice ng tennis sa bahay nila, dahil may table daw ang daddy nya nun. "Mhm thank you ulit" wika ko.
"Welcome ka, para narin hindi ka mahiya sa laban mo sa linggo" Oo nga pala. Sa susunod na linggo na laban. Ilang linggo na rin pala nakalipas simula nung unang araw ko rito. "Yow!" Napatingin kami kay Jake.
"Hi maddi, Oi Lorie nakita mo ba asan si Kia, kagabi pa ko di pinapansin nun" tanong nito kay Lorie. "Aba ewan ko, para namang di ka nasanay don" sagot sakanya ni Lorie. Nilapitan ito ni Jake. "Bro believe me or not, di nya talaga ko pinansin ket sinabi kong nahihirapan ako huminga at kelangan ko sya sineen nya lang ako" Binatukan naman sya ni Lorie na ikinatawa ko.
"Eh gago ka rin pala, ginagawa mong biro yan" saad ni Lorie. Napakamot nalang sa ulo si Jake. "Kia" Tumingin ako kung san tumawag si Lorie. Si Kiara, kapapasok lang. "Pinapasabi ni Daddy sabihin mo raw-"
"Atleast not infront of people you don't know" saad lang ni Kiara. Nakita kong tumaray si Lorie dito. Naalala ko ay sinabi nya rin ito kay Kiara nung may sasabihin din si Kiara. Kakaiba trip nila ha.
"Pupunta ka sa ball?" tanong ni Jake. Umalis na si Kiara at parang di narinig ang sinabi ni Jake.
"Nakita mo diba? Napakasungit jusko" saad nya. Tumawa nalang kami at pumasok na.
__________Nagdidiscuss ang teacher ngunit si Lorie ay tulog. Binabantayan ko ito na di makita ni Sir.
"Excuse me Sir, pinapatawag mo si Kiara ng principal" wika ng babae sa labas. Nakita ko ang pagtaray ni Kiara bago tumayo at lumabas. Nagpatuloy ang discussion. Naramdaman kong nagvibrate ang cp ko kaya tinignan ko ito ng palihim. Chat ni Jake ang lumabas.
"HINDI NA NAMAN AKO PINANSIN NI KIA, IKAW NA NGA LANG MAGBIGAY NETO SAKANYA KELANGAN KASE TO EH, MAY LARO PA KO MAMAYA, DI AKO SINISEEN NI LORIE" Natawa ako dahil all caps ito.
"PABIGAY KO SAYO DYAN AFTER CLASS NYO" Dagdag pa nito. Napailing na lamang ako. Sige, ikaw na yan eh. Nireplyan ko ito at tinago na upang di mahuli.
_______________"Madii mauuna na ko ah, nagmamadali talaga ko" saad ni Lorie kaya dali dali akong tumango. "Oo sige lang, may gagawin din naman ako, ingat ka!" Umalis na ito. Inayos ko na lang ang gamit ko. Simula umalis si Kiara kanina ay di na ito bumalik. Di ba consider as cutting yon. Unfair ung school ha.
"Maddi oh, eto ung bigay ni Jake, alam mo na daw gagawin dyan, binigyan lang ako isang daan nun para ibigay sayo yan kaya wag moko tanungin kung ano yan" wika ng kaibigan ni Jake. Napatawa na lamang ako. Ang kulit. Tinignan ko ang papel.
Business Proposal
New Stablishment at Cagayan. Conference Meeting June 12, 2023. To be signed by Gloria Cameo.
Woah. Cameo, mama kaya to ni Kiara? No wonder ang arte nya, anak mayaman pala sya.
Teka asan ba si Kiara. Saktong dumating si Troy, galing siguro ito sa Cr."Ah- Troy!" Ngumiti ito ng makita ako at lumapit sakin. "Oi bakit" tanong nya.
"U-uh, pasensya na sa mga inasal ng mga kaibigan ko nung nasa cafeteria" saad ko rito.
"Wala yon, kaibigan mo rin pala si Kiara""U-uh medyo?" Tumawa naman ito.
"Ah! Btw alam mo ba nasan si Kiara ngayon?" tanong ko rito. Nagisip naman ito. "Di ko alam eh, pero siguro nasa Pool, kita ko sya kanina nakagear e" sagot nya. Nginitian ko naman sya.
"Ah sige salamat!" saad ko. Paalis na sana ko nang magsalita ito. "Uh are you free this weekend? Next week pa naman laban mo eh" tanong nya. Jusko, eto na nga ba sinasabi ko eh.
"U-uh, tignan ko" yun na lamang ang sinagot ko. Ngumiti naman ito.
"Then... if free ka, sabihin mo sakin, I'd like to treat you a coffee" wika nya. Nginitian ko naman ito at syaka umalis na. Ah! Bakit jase hirap kang tumanggi Maddi jusko ka. Dami mo na naman tuloy gagawin. Binalewala ko na lang ito at tumuloy na sa pool.
________________
