Flashback
***
Coleen POVNakaramdam ako ng pagkauhaw. Kaya't bumaba ako para kumuha ng maiinom. Hindi ako nag lalabas ng aking silid dahil
iniiwasan ko si Duke Charles. Lalo na't sa mga tingin nito sa akin.Napahinto ako nang makasalubong ko si Cindy na may hawak ng kopita at kasalukuyan itong umiinom ng red wine.
Pagkakita niya sa akin. Ibinaba niya ang kopita saka lumapit sa akin na naniningkit ang kanyang mata.
"Ikaw?! Dahil sa iyo kaya nag away kami ng kasintahan ko!" Paninisi nito. Dinuro pa niya ako sa dibdib.
Napangisi ako sa inasal niya.
Kaya't tinaboy ko ang kanyang kamay.
"Eh di mabuti para mag hiwalay na kayong dalawa. Hindi naman kayo bagay" Nang aasar kong sagot. Mas lalo itong nagalit.
"Alam ko naman na may pag tingin ka kay Lowell. Akala mo hindi ko napapansin ang palihim mong tingin sa kasintahan ko?" Tagilid akong ngumiti. Bago tinasaan siya ng kilay.
Ang sarap niyang asarin. Kaya mas lalo ko siyang aasarin.
"Sa tingin mo? Hindi ko kayang agawin ang kasintahan mo?" Nagbabanta kong tanong. Tumakas ang kulay sa mukha nito. Subalit mapanganib na ang inasta nito nang marinig niya ang sinabi ko.
"Mas bata at higit na maganda ako sa iyo. Cindy" Pagyayabang ko sa kanya.
"Hindi ka papatulan ng kasintahan ko. Dahil isa ka lang musmos!" Galit akong hinablot ako ni Cindy.
Humalakhak ako ng malakas.
"Paano kung sabihin ko sa iyo na nahalikan ko na ang kasintahan mo? At siya ang nag turo sa akin kung paano humalik sa isang lalake" Nanlaki ang mata nito sa sinabi ko.
"Hindi magagawa ni Lowell yan!" Bulalas nito.
"Hindi nga ba?" Akmang sasampalin niya ako. Subalit hinawakan ko ang wrist niya.
"Subukan mo akong saktan! Sinasabi ko sa iyo na ibabalik ko din yan sa iyo!" Matapang kong sagot.
Padabog kong binagsak ang kamay niya.
"Huwag ka ng magpanggap na isa kang mabuting babae. Dahil alam ko ang iyong pagkatao. Alam ko na masama ang iyong hangarin katulad ng iyong ama" Mapakla siyang ngumiti.
"Sabagay, bakit ba ako mag titiis sa isang katulad mo? Isang anak sa labas!" Tumiim ang bagang ko.
"Isa lang masasabi ko sa iyo. Hinding hindi mo maagaw sa akin si Lowell. Sisiguraduhin kong ako ang magiging Grand Duchess ng Windsor" Nakatitig lang ako sa kanya saka itinagilid ko ang ulo.
Hindi ko hahayaan na magtatagumpay ang babaeng ito.
"Kung pakakasalan ka n'ya" Iniwan ko siyang tulala sa huling sinabi ko.
***
After three years
Pinag mamasdan ko ang sarili sa salamin. Habang inayos ko ang aking buhok.
Sa wakas nakalaya na din ako sa pambatang uniform.
Nasa secondary na ako ng Royal Academy. Dalawang taon na lang malapit na ako sa Junior Student.
Simula ng tumuntong ako ng dose anyos. Nag simula na din nag bago ang aking katawan. Nagkaroon na ito ng korte at lumiit ang aking baywang.
Napag kakamalan ako na labing walong taon.
BINABASA MO ANG
The Side Character of Villain Step - Sister
FantasiPaano kung bumalik ka muli sa asawa mo?