Chapter Eight

121 3 3
                                    

Flashback

***

Coleen POV

"Coleen, Coleen... "

Naririnig ko ang boses ng isang lalake. Tinatawag niya ang pangalan ko.

Parang kaboses niya si Ama. Pinagmasdan ko ang buong paligid.

Para akong nasa madilim na kweba at nasa tubig? Subalit bakit ako nakakahinga? Paano ako napunta dito?

"Nasan ako?" Naguguluhan kong tanong.

Subalit hindi niya ako sinagot.

"Ama? Ikaw ba yan?" Tanong ko ulit.

Teka? Paano ako nakakapag salita sa tubig?

"Anak, ingatan mo ang water stone. Ikaw ang pag asa namin na mailigtas mula sa pamumuno ni Daigon" Isang magandang tinig ng babae.

Para akong nakaramdam ng kalungkutan at pagkasabik nang marinig ko ang boses ng babae.

"S - sino ka?! Sinong Daigon? Nasaan kayo?" Wala akong makita kundi tubig at buhangin sa ilalim ng karagatan.

"Makikilala mo din kami. Balang araw... " Huli niyang sinabi.

"Sandali?! Nasaan kayo? sabihin ninyo sa kin? Pupuntahan ko kayo... Please?!" Sinubukan kong tumakbo subalit wala akong makita.

"Nasaan na kayo?!" Patuloy pa rin ako sa pag takbo. Hanggang sa mandilim ang buong paligid.

Napabalikwas ako sa pagbangon. Habang nag hahabol ng hininga.

Isang panaginip? Bakit parang totoo? Sino ang babaeng iyon?

Mga katanungan ko sa aking isip.

Ramdam ko pa rin ang tubig sa aking katawan.

Pinag masdan ko ang buong paligid.

Nasa loob ako ng aking silid?

Akmang babangon ako subalit napaungol ako nang naramdaman ko ang sakit sa aking sikmura. Kung saan ako sinuntok ni Stephano.

Natuloy ba ang balak sa kin ni Stephano?

Pinakiramdaman ko ang sarili.

Mukhang hindi natuloy ang plano ni Stephano.

Napabuntong hininga ako sa panghihinayang.

Hindi ko akalain na magagawa akong saktan ni Stephano. Sa tagal ng pagkakaibigan namin. Nasira lang dahil sa pesteng pag ibig.

Napalingon ako nang marinig ko ang munting katok.

"Lady Coleen, gising na po ba kayo?" Tanong ng katiwala ng Jackson.

Tumayo ako bago pinagbuksan ng pinto. Ang serbidora ng Jackson.

"Anong kailangan mo. Theresa?" Malamig kong tanong. Mababakas sa kanya ang takot.

"P - pinapatawag po kayo ng inyong magulang para makapag umagahan" Nanginginig nitong sinabi. Tumagilid ang ngiti ko.

Anong kailangan nila sa kin?

"Pakisabi na susunod ako. Mag aayos lang ako" Sinarado ko ang pinto.

Mabilis akong pumunta ng banyo para makapag ligo at mag ayos.

Isinuot ko ang uniform at kinuha ang bag. Pag labas ko ng aking kwarto. Pumunta na ako sa kumedor para puntahan ang magulang ni Cindy.

The Side Character of Villain Step - SisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon