HBS VI: Crazy In Love

69.8K 850 26
                                    

Copyright © 2015 Kath Antonio/ Diyosangwriter.

No portion of this book may be reproduce or transmitted in any form or by any means without written permission from the original copyright holders. This book is a work of fiction. Any resemblance to actual events or locales or persons, living or dead, is entirely coincidental.

Dela Marcel I: Crazy In Love

Simula

"Ilang beses ba nating pag-uusapan ito, Kris? Hindi ba't sinabi ko sa'yong h'wag ka munang lalapit sa kan'ya?" Napakamot ako sa inis sa sinabi ni Tatay sa akin. Wala naman akong ginagawang masama. Kahit nga gustuhin ko ay hindi ko naman pinapakilala ang sarili ko kay Atasha. Lumalapit lang naman ako kapag tulog siya pero mali parin?

"Tatay naman. Hindi naman na makatarungan 'yon. Hindi naman niya ako nakikita, ah? Hindi naman ako makikipagkilala hanggat hindi pa siya handa. Gusto ko lang naman siya makita at mahawakan kahit tulog siya, Tatay. Iyon lang naman" sagot ko.

"Hindi naman 'yon ang problema, Kris. Inakyat mo ang kwarto niya habang natutulog siya. Sinong matinong lalaki ang gagawin iyon? Paano kung nalaglag ka? Paano kung nagising siya? Paano kung nahuli ka?-"

"Kasi naman, Tatay. Hindi niyo ako hinahayaan na lapitan siya. Wala naman akong gagawing masama sa kaniya. Gusto ko lang 'yong malapit ako sa kaniya kahit 'yon lang, Tatay. Mabubuntis ba siya, Tay, kung hahawakan ko?" giit ko parin.

Ayoko namang sagot-sagutin si Tatay dahil maliban sa Ama ko siya ay nirerespeto ko siya pero hindi ko kasi matanggap na hindi nila ako hayaang lumapit sa babaeng mahal ko. Ilang taon na akong nagtitimping lapitan siya at ilang taon ko na siyang gustong ligawan pero dahil sa pesteng kasunduan ni Tatay at ng Ama ni Atasha ay hindi ko siya magawang lapitan.

"Kung ayaw niyo akong gumagawa ng ganoong bagay, Tatay. hayaan niyo akong lapitan siya" sabi ko. Naningkit ang mga mata ni Tatay.

"Tinatakot mo ba ako, young man?" sabi nito. Mabilis naman akong umiling.

"Hindi naman, Tatay. Hindi ko naman po kasi guguluhin ang pag-aaral niya. Hinding hindi, Tatay. Gusto ko lang talagang lumapit sa kaniya. Gagawin ko lahat, Tay, payagan niyo lang ako" desididong sabi ko. Bumuntong hininga si Tatay bago umupo sa sofa ng bahay at tinuro ang upuan na mabilis ko namang inupuan.

"Ako talaga ang may ayaw na lumapit ka sa kaniya at hindi si Mang Jaime" panimula ni Dad na ikinalaki ng mata ko. Buong akala ko si Tatay Jaime ang may ayaw kaya hindi ko ginagawa dahil baka hindi na niya ako payagan na ligawan ang anak niya. Anak kasi ng driver namin na si Mang Jaime si Atasha. "Ayokong parehas niyong masira ang kinabukasan niyo dahil parehas pa kayong bata, pero sabi mo nga ay gagawin mo lahat, hindi ba?" tanong ni Dad. Mabilis naman akong tumango.

"Ikaw na ang mag-mamanage ng kalahati ng kumpanya kapag tumuntong ka ng twenty" hindi makapaniwalang tinignan ko si Tatay.

"Pero-"

"Kahit ano hindi ba?" taas kilay niyang sagot. Sabi ko kasi ay ima-manage ko lang ang kumpanya kung handa na ako at kung may maipagmamalaki na ako. Gusto ko kasing makilala sa larangang gusto ko bago sundin ang gusto nila tatay pero mukhang mas mapapaaga.

"Hindi ka rin dapat masasangkot sa anumang gulo. Walang kaso o kung anuman" madalim lang naman gawin iyon.

"Papayag ako, Tatay pero hahayaan niyo akong makasama si Atasha. Wala kayong gagawin at mas lalong hindi niyo kami pipigilan" paninigurado ko. Kaya kong isakripisyo ang pangarap ko para sa kaniya. Kung iyon lang ang paraan.

"May limitasyon ang lahat ng bagay, Kris" pananakot ni Tatay pero alam ko naman kung hanggang saan lang ako.

"Alam ko, Tatay. Hindi naman ako lalagpas, below the belt" paninigurado ko at tumango si Dad.

Ngumisi ako at napatalon sa saya. Sa susunod ko na iisipin ang pangarap ko. Sa ngayon, iisipin ko muna kung paano ko makukuha si Atasha.

"Salamat, Tay. You're the best" sabi ko bago umakyat papuntang kwarto ko. Nakasalubong ko pa si Yana at dahil sa saya ko ay pinisil ko ang pisngi niya bago siya hinalikan sa noo.

"Kuya!" tili niya pagkatapos pero mabilis na akong nakalayo.

D*mn. I've never been this excited. Dadaan muna ako sa kanila mamaya para magpaalam kay Mang Jaime. Ayoko naman na mabigla siya at gusto kong maging ligal lahat bago ako gumawa ng move.

Be ready, Baby. Dela Marcel is coming.

__________________________

Kapag may isang Story na natapos, May isa akong story sa series na ito na ipo-post.

Kris Night's Story. Ang panganay sa second generation.

Will be updated pagkatapos ng Love Me.

Dela Marcel VII: Crazy In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon