HOLD ME TIGHT'er (A Sequel)
ㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡSinilip niya ang binata. Bahagya siyang napangiti sa isiping magaling talaga siya sa pagtakbo. She's just in time.
Sayang naman kasi ang ginawa niyang pag-kalkula ng pagitan nila kung hindi rin naman siya aabot.Tumakbo iyon papunta sa kanya. Nang ganap na siyang mahawakan ng binata ay napangiti siya. Kay tagal niyang inasam na maramdaman ang dampi ng balat nito sa kanya.
"Hold me tight, Yoon Gi." Bilin niya sa lalaki saka matamis na ngumiti.
"Ireneeeeee?" Sigaw ni Yoon Gi.
Ang huling boses na narinig ng dalaga bago dumilim ang paligid niya.
Nataranta ang lahat lalo na ang lalaking may kalong sa gawing ulunan ng dalaga. Umiiyak iyong nagsisigaw at nahingi ng saklolo. Agarang rumesponde ang hospital staff lulan ng emergency vehicle. Kinuha ng mga iyon ang dalaga saka maingat na inilagay sa stretcher.
"Suga?" Tanong ng isang medic sa lalaki.
Umiiyak pa rin iyong tumango.
"Please... Please... Do everything for her to survive.. I need her.." Sunod-sunod ninyong pahayag sa pagitan ng pag-iyak.
"Calm down, Idol. We'll do our best." Anang babae na halatang mesmerized pa rin sa kaharap.
Nang maingat ng na-i-akyat ang babae. Mabilisan na ring sumunod ang lalaking tinawag sa pangalang Yoon Gi.
Yoon Gi ang madalas niyang itawag sa lalaki para maiba naman. Halos lahat kasi ng fans nito. Suga ang kadalasang itinatawag dito. Sikat ang lalaki. Kabilang siya sa sikat na Kpop group na Bangtan Sonyeondan. Bukod sa dami ng talent niya, sa itsura niya. Siya talaga ang una niyang napansin ng minsan niyang mapanood ang performance ng mga 'to sa t.v. She find him sexy the way he rap and sway his body to the rhythm of the music. Kaya naman sobrang nagulantang ang mundo niya ng lapitan siya nito isang araw para humingi ng number.
"Hi." Gulantang at na-estatwa siyang napatingin sa may-ari ng tinig.
It was Yoon Gi. He was geniunely smiled in front of her.
"B-bakit po?" She buckled. Nahihiya niyang tiningnan ang likod niya. Baka kasi may tao sa likod niya at iyon ang pinapansin nito.
Narinig niyang tumawa ito.
"It's you. Hi." Muli'y anito.
"A-ah eh. Bakit ho?" Maski ang sarili niya natatangahan sa ipinapakita niya.
"May i have your number please?" Tanong nito na lalong ikinabigla ng dalaga.
"Ako?" Turo niya sa sarili niya.
"Yes. Who else? Wala naman kaming ibang kaharap dba? Unless may nakikita kang hindi namin nakikita." Anito.
'Kaming? Kyaaaaa! Don't tell me andiyan yung groupmates niya?' Piping naisaloob ng dalaga.
Bahagya niyang sinilip ang likuran nito. Nakangiti ang anim sa kanya most especially si Jhope. I know each of them. Madalas na din kasi akong makinig ng songs nila bukod sa simula nung una kong makita ang mukha ni Yoon Gi ay likas kasing magaganda ang lyrics.
Dahan-dahan niyang iminulat ang mata at saka pinakiramdaman ang paligid.
"Irene." Tawag sa kaniya ng isa sa pinakamatalik niyang kaibigan. Si Kasey.
"Si Yoon Gi?" Tanong niya dito.
"Pwede ba, sarili mo muna ang isipin mo? Tingnan mo nga ang ginawa mo. Grabe ka magpaka-tanga." Galit na sermon nito sa kanya.
BINABASA MO ANG
HOLD ME TIGHT Part Two (SUGA FanFic)
Fanfiction(BTS - Suga Fanfic) "It's okay.. Shh!" All rights reserved ||| AsylumOfAdytum, 2015