[Where are you?! Tawag ng tawag si mommy at daddy dahil nag-aalala na sa 'yo. Your school called and you haven't been going to class. Ano bang nangyari?!]
Tinakpan ko ang bibig ko para hindi marinig ni Ate Lucy ang mga hikbi ko habang pinapakinggan siya sa kabilang linya. It's been a week and pain is still fresh.
[Pumunta rin ako sa condo mo, and you weren't there! Sabi pa nung guard matagal kana rawng hindi bumabalik doon. Nasaan kaba?!] Halatang galit na aniya [Damn it Lallaina, answer me! Where are you?!]
Hindi ko siya sinagot at pinatay ang tawag. I turned my phone off so no one could try calling me again.
Niyakap ko ang mga tuhod ko at humahagulhol ng iyak. No one knows na umuwi ako ng Cagayan de Oro at nasa condo unit ko. How could they not look for me here? There was no food here but water. Gutom na gutom na ako pero natatakot akong lumabas at baka may makakita sa akin. I didn't want to be seen. I didn't want to interact or see other people. I didn't want to talk. Not to my family, my friends, anyone. Kinulong ko ang sarili ko at hinayaang mabulok ang sarili.
Nakahiga na ako ngayon sa sahig at walang tigil parin ang pag tulo ng mga luha ko habang nakatingin sa kawalan. Ang sakit ng puso ko at ansakit rin ng tiyan at puson ko. May kutob na ako kung bakit pero ayokong aminin. Hindi ko kayang tanggapin.
My place was filled with silence when unexpectedly, the door bell rang and I panicked. Dali-dali akong tumayo at nagtungo sa pinto at sumilip sa peephole. Nakahinga naman ako ng maluwag ng makita si Lars at hindi siya. He started ringing the doorbell again and again pero nakaupo lang ako sa sahig habang nakasandal ang likod sa pinto, hinihintay siyang umalis.
"Ate if you're in there, open the door.. please?"
Nag hintay ako ng ilang minuto hanggang sa hindi ko na marinig na mag ring yung bell. Tumingin ako sa peephole at nakitang wala na siya. Dahan-dahan ko namang binuksan ang pinto para manigurado ng bigla nalang niyang itulak ang pinto kaya napaatras ako.
"I knew it!"
"Just leave me alone Lars. Umalis kana" walang emosyon na sabi ko habang sinusubukang itulak siya palabas.
"What happened to you? Ang pangit mo na" mas lalo tuloy akong nainis at malakas siyang tinulak but I failed. Either because I was weak kasi wala akong kain or dahil malakas lang talaga siya.
"Lars, just please...leave-" napatigil ako sa pagtulak sa kaniya ng bigla niya akong yakapin.
"I'm not leaving you here" aniya't mas hinigpitan ang yakap kaya bumagsak naman ang mga balikat ko at napahagulhol ng iyak. "I was so worried. Hindi kami mapakali sa pag-aalala kung ano ng nangyari sa 'yo. Akala ko nga nakipagtanan ka, but this looks like the opposite. Did you guys-"
"Yes. We broke up" pinangunahan ko na siya
"That's too bad. Come, I brought food" aniya at giniya ako papunta sa kusina. Pinaupo niya ako sa upuan habang hinahanda niya yung pagkain. "When was the last time you ate?" He asked
"A week ago" matamlay na sagot ko
"Dude, are you trying to kill yourself?!"
"This is what happens when you boys cheat on us" sabi ko kaya parang natigilan pa siya at hindi nalang sumagot. He got a plate and a spoon and fork and put it infront of me. Nilabas niya naman yung mga pagkain na tinake out niya. "Aren't you going to join me?" I asked
"Nahh, I ate before I went here"
"How did you even know I was here?"
"It was the only place na hindi pa nila pinupuntahan. How could they not even think you're here? This is seriously the first place I'd go to if I heard you were missing or something"