Chapter 18

8 0 0
                                    

Kiara's POV

I woke up with a smile on my face. Pft, what a great day to start. Bumangon na ako at naligo. Nakita ko ang bidet. Nahirapan ako huminga kaya nagmadali na lang ako maligo. Pagtapos ko ay nag-ayos na ko upang pumasok sa school.

"Kiara, papasok na po kayo?" tanong sakin ni Ate Nilda, ang kasambahay dito at dating nagaalaga sakin. "Opo ate nilda, salamat po sa pagkain, dun nalang po ako kakain sa school", wika ko rito, bakas ang pagaalala nito sa muka, ngumiti ako para sabihing okay na ako.

Pagkalabas ko ng gate ay nakasulalubong ko pa si Jake. Tinarayan ko ito at diretso nalang. Ngunit hinarangan ako nito.

"Pansinin mo na ko para namang tanga to, ano bang ginawa ko sayo?" tanong nya.

"Wala, naiinis lang ako sayo" saad ko at binangga sya. Humarang muli ito.

"Sorry na, di ko alam kung bat ka galit, pero sorry na, pansinin mo na ko" saad nya. Nakakawa ang itsura nya, natatawa ako.

"Kung lalandiin mo si Maddi, siguraduhin mong di ka na mambababae" saad ko. Tumawa naman ito.

"Nagseselos ka ba?" Tinignan ko sya ng masama.

"Hindi ko sya gus-"

"Nagseselos ka ba na nilalapitan ko si Maddi? Crush mo ba ko? huy wag ganyan" Agad ko syang binatukan.

"San mo nabili yang kapal ng mukha mo?" saad ko.

"Eto naman nagbibiro lang, di ko nilalandi yon baliw, kaibigan ni Lorie yon, kaya kaibigan ko na rin, eto parang siraulo din" Hindi nya nilalandi si Maddi? Bahagya naman akong napangiti.

"Oh, di ka na galit? Anong kala mo saken babaero?" Binatukan ko na lamang ito at inakbayan. Syaka kami sabay na pumunta ng school.
______________

Nakakabadtrip naman, asan naba sya, malelate na sya oh, scholar pa naman sya.

"Goodmorning Class 1" Ah shit, andyan na si sir. Tinignan ko si Lorie tulog ito. Asan ba yung kaibigan nya? Hay nako.

"Sir, may i go out?" wika ko agad akong pinayagan nito. Oo, unfair talaga tong school nato, mabait lang sla saken kase anak ako ng nagpapasweldo sakanila. Tsk.

Agad akong pumunta sa gate. Papasok ba sya?  Tinatakasan nya ba ko?

I smirked nang makita ko syang nagmamadali papunta dito.

"Kuya 5 minutes late palang naman ako, papasukin mo na ko oh" wika nya. Hindi sya pinapapasok ng mga guard.

Aba.

Pinuntahan ko ito. Nakita kong nabigla pa sya nang makita ako.

"Let her in kuya, kanina pa sya nandito, lumabas lang kase inutusan ni mommy" bulong ko sa mga guard. Tumango naman sila at pinapasok na si Maddi.

"Anong sinabi mo?" saad nya. "Ano bang pake mo?" wika ko rito. Tinignan ko ang mga dala nya.

"Where's my milktea?" tanong ko nang di ko makitang may dala syang milktea.

"H-huh? Milktea?" Napahinga na lamang ako ng malalim.

"Sabi ko wag mong kakalimutan diba?"
______________

"I don't accept apologies, I want something in return." wika ko na ikinabigla nya.

"Huh?"

Just My Not-So Denial ClassmateWhere stories live. Discover now