Nakita ko si tita Josephine na mag-isang naka-upo sa sofa sa may sala. Nilapitan ko siya at ningitian.
"Hi, tita!" bati ko sa kanya at umupo sa katabing sofa na inuupoan niya.
"Hello my dear Mia. Matagal-tagal narin noong huli kitang makita, kumusta ka?" naka-ngiting tanong niya.
"Maayos naman po tita. Kayo po?"
"Very much okay, iha"
"Grabi tita wala parin kayong pinag-bago ang ganda niyo parin po" papuri ko sa kanya.
"Ikaw din, Mia, wala ka paring pinag-bago bolera ka parin" sagot niya at bahagyang tumawa.
"Totoo naman po eh!" depensa ko. Ito talagang si tita ayaw maniwala tuwing kino-compliment siya.
"Tita, may tanong po ako" pag-iiba ko ng usapan."Ano yon, Mia?" naka-ngiting sagot ni tita Josephine sabay inom sa kanyang tsaa.
"Ilang taon na nga po kayo uli?" bakas sa mukha ni tita na hindi siya makapaniwala sa naging tanong ko.
"Seryoso ka ba dyan, Mia?" napapa-iling niyang sagot.
"Well, I'm already 48 years old. Why?" sabi niya sabay ngiti."Tita, do mind if I ask you something personal?" bahagyang nag salubong ang kilay niya pero kala-unan ay ngumiti parin siya.
"Well, it depends on your question iha"
"Tita, bakit hindi po kayo nag asawa? Maganda naman po kayo kahit na may edad na kayo. Kaya for sure maganda din kayo noong kabataan niyo. Isa din kayong mahusay na abogada kaya napaka-swerte ng mapapangasawa mo kung sakali."
"Bakit, Mia, kailangan ba talaga yan sa buhay natin?"
"Opo, tita"
"At bakit naman?"
"Kasi masaya po pag may nakakasama tayo sa buhay. Masarap po sa pakiramdam na may nagmamahal sa atin. Iyung aalagaan tayo at ipaparamdam sa atin na mahalaga tayo. Tulad ko po, ganyan kasi si Erick sa akin eh" naka-ngiting sambit ko.
"Maganda nga iyan, Mia. Totoo yan at tama ka" tugon niya at tipid na ngumiti.
"Bakit nga po, tita, wala po ba kayong natipohan noon?"
"Wala lang ako makitang lalaki na kayang kong mahalin ng buo. Hindi ko makita sa kanila ang mga katangian na gusto ko sa isang lalaki. Hindi ko rin nakikita ang sarili ko na nakatali sa isang tao. Hindi ko rin alam kung kayang ko bang magmahal uli ng totoo at buo" sa sinabi niya ay nakita kong naging malungkot ang mukha nito.
"What do you mean, tita, nag mahal na po ba kayo noon?"
"Oo, Mia, minsan na akong nagmahal" makikita sa mata niya ang sakit na parang kay hirap para sa kanya na ma-alala ang nakaraan.
"Ano pong nangyari, tita?"
"Sobra ko siyang minahal, ngunit sadyang naging mailap sa akin ang mundo. Ipina-kilala lang siya sa akin ngunit hindi itinakdang maging akin" madarama mo sa boses niya ang sakit sa bawat salitang binibitawan niya.
"Why auntie?"
"Hindi kami pinalad na magkatuluyan dahil iba ang gusto ng tadhana para sa kanya, but my love for him is genuine. Siya lang ang minahal ko ng sobra. Imagine at the age of 11 I fell to him, I fell in love with him. I learned how to love someone..." sabi niya at mapait na ngumiti "...but I realized na hindi sapat na mahal mo ang isang tao. Kasi kahit ano pang gawin mo para sa inyo kung hindi kayo ang itinadhana ay hindi kayo magwo-work. Paglalayuin kayo ng mundo, kasi naka tadhana lang kayong mag-kita ngunit hindi kayo para sa isat-isa"
"Kaya po ba pinili ninyong wag ng mag-asawa kasi takot kayong masaktan uli?"
"No, Mia, hindi ako takot magmahal. Kasi totoo akong magmahal. Kaya ko pinili ang maging mapag-isa sa buhay kasi takot ako na baka hindi ko mabigay ang pagmamahal na deserve nila. Takot ako na baka hindi ko masuklian ang pagmamahal na ibibigay nila sa akin, because to tell you honestly I'm still in love with that man. Sa kanya lang umikot ang buhay at mundo ko. Siya din yung ideal man ko noon. Sa kanya ko nakita ang mga katangian na gusto ko sa isang lalaki.He became my standard and put me onto situation na kung hindi siya ay dibale nalang. Since the day we parted our ways I promise to myself that I will never love someone the way I love him. I devoted myself to him even though I don't have a chance to be love by him"
"Pero hindi po ba kayo sumubok, tita?"
"I did, but wala eh. Hindi ko kayang suklian ang pagmamahal nila at ayaw ko rin silang masaktan"
"Pero hindi po ba kayo nagsisisi, tita?"
"Wala akong pinagsisihan sa naging desisyon ko. Kasi hindi naman big deal kung may asawa ka o wala. As long as you can live happy, you will be forever happy. Be happy without a man in your life"
____________________________________
Date Written: 5/24/22
Time Written: 4:11 pm