MAYO, 2023 (CONTINUATION)

9 3 0
                                    

Right now, I don't feel anything.. Or maybe i'm numb na? 3 weeks na akong walang maayos na tulog at kain. Napapabayaan ko ang sarili ko dahil sa pagfocus mag-aral. Tuwing uwian lang ako nakakatulog ng maayos, pero kahit bagong gising pakiramdam ko pa rin ay pagod. Napapadalas na ulit ang mental breakdown ko na kinakatakot ko ay baka bumalik ako sa dati.

Dinidistract ko na lang ang sarili ko para wala ako masyadong isipin. Narealize ko rin na he hasn't fallen hard enough to wait forever. Masyado akong nagpapakabulag noon, kahit ilang beses na ako sampalin ng mga kaibigan ko sa katotohanan ay hindi ko pinapaniwalaan. At the end, ako rin ang naubos.

Lagi kong kinoconsiderate 'yung feelings mo na alam kong nasaktan ka rin nung bumitaw ka sa tuwing sinasabihan ako ng mga kaibigan ko. Trying to defend you pa rin naman, pero wala na talaga ako magagawa dahil mga sinasabi nila ay totoo naman. Ginagaslight ko lang talaga ang sarili ko para hindi masaktan, kaso salungat naman sa nakikita. Kung dati man binabalitaan nila ako kung ano ganap sa buhay mo, pero ngayon hindi na. Simula nung nagmomove on na ako, sinabihan ko na silang 'wag ako sabihan ng kung ano man nangyari o anong issue mo ngayon.

Pinagpatuloy ko pa rin ang pag-iwas sa'yo para sa peace of mind nating dalawa. Ngayong mag-isa na lang ako, ineexplore ko na lang ang mga bagay. Lalo na maraming bagay ang nagbago sa akin na hindi ko inakala na magiging ganito pala ako. Kahit gaano pa kamiserable ang buhay ko, pinipilit ko pa ring bumangon o ayusin dahil alam kong kahit anong mangyari nakagabay pa rin sa akin ang Panginoon. Ayun na ang pinanghahawakan ko ngayon.

Sabi nga sa kantang leonora, "Kung nasa'n ka man, nawa ay masaya ka na" sana masaya ka na sa buhay mo. Kasi kung masaya ka, masaya na rin ako para sa'yo. Alam kong nagkakaroon ka rin ng silent battles pero alam kong makakaya mo rin 'yan, dahil mula pagkabata mo lang ay marami ka ng problema pero heto ka ngayon, buhay na buhay at lumalaban pa rin. Andiyan naman ang pamilya at kaibigan mo, nakasuporta sa'yo. Maaari rin 'yung babaeng minamahal mo, nakasuporta sa'yo. Alam kong hindi na ako, kaya ingatan mo siya ha? Pursue mo na, baka maunahan ka pa.

---

Sa sobrang excited ko sa fieldtrip, hindi na ako natulog pa hehehe. Gumawa na lang ako ng onigiri para sa baon namin, hindi naman ako madamot kaya marami akong ginawa. Saya nga eh, napakasaya talaga sobra. Lalo na sa star city, 'yung star flyer na kinakabahan 'yung mga kaibigan ko sumakay, tapos ending tawa nang tawa kasi hindi naman pala nakakatakot. Andami nating sinubukan o inexplore. Magkakaibigan nga talaga tayo dahil mahilig magexplore, thrill, at adventure.

Kahit 'yung sa star frisbee, nakakatakot talaga siya pero masaya kasi ramdam mo talaga ang thrill. Kinabahan pa kami kasi binilang pa namin ang ikot, nasa 40 pa talaga. Sabi pa namin ang boring sa star flyer, tapos ngayon sumobra sa star freebis hahaha. Pagkatapos namin mag rides, nabadtrip talaga ako kasi ang baliw lang namin dahil binigay namin 'yung gamit sa ibang kasamahan namin na hindi sumama sa amin mag rides kasi natatakot sila, hindi naman pwedeng pilitin. Kaya sa halip na mag enjoy sila sa iba, naging taga bitbit ng gamit so sorry po hehe, nagkagulo pa tuloy tayo kasi nagkawalaan nga. Then, may isang tao talaga na masarap siyang kausap. Nung gabing 'yon, I didn't expect na magiging talkative person siya kasi akala ko tahimik lang. Marami siyang nakwento and parang matured siya kausap. Ganun siguro pag may experience, nagiging matured kausap.

PARA EL AMOR DE MI VIDAWhere stories live. Discover now