TOW: 003
Winter's Pov
Malapit na ako— malapit na sa pangarap ko. Bukas umpisa na ng araw ko bilang assistant secretary ni Sven, bilang assistant secretary malalaman ko rin ang kalakaran sa company nila. Excited na ako!Pero kanina sa sobrang saya ko hindi ko na talaga napansin na napayakap ako kay Sir Sven, ang init ng katawan niya dagdag mo pa yung matitigas niyang abs— wahh!
"Ahhhh! Ano ba itong iniisip ko! Aksidente lang naman 'yon e, hindi ko sinasadya kaya wag siyang assuming." sigaw ko.
Bakit ganito ang bilis ng tibok ng puso ko? Parang tanga naman Winter, parang yakap lang 'yon. Pero siya ang unang lalaking nayakap ko at nakayakap sa akin.
"Ano ba bakit ba panay sigaw mo!" naiinis na sita ni Manang sa akin.
Sino ba kasing hindi mababaliw, kinuha akong assistant secretary tapos nayakap ko pa yung amo ko na gwapo, macho, matigas ang abs atsaka ang hot ng katawan— pero teka nga bakit ko ba iniisip 'to! parang sira naman Winter.
"Sorry po manang, may naalala lang po kasi ako hehe."
Naalala ko yung katawan ni Sir...
Makatulog na nga dahil siguradong bukas maaga aalis at maraming ipapagawa sa akin si Sven. Iniisip ko nga bakit wala parin girlfriend, si sir. Sven tapos wala pa siyang sinasama na babae sa bahay hindi katulad nila Sir. Sid at Frost may taniman yata ng babae kada uwi may dala. Hala! hindi kaya bakla si Sven? I can't imagine na bakla si Sven sa katawan niyang 'yon. Pero tama na kaka-isip mo Winter matulog kana.
__________
"Gising!"
Sino ba'to? ang aga-aga bulabog.
"SINABING GISING!"
Napa-upo ako dahil sinigawan na ako sa tenga ng kung sinong nilalang na 'to. Dahan-dahan kong minulat ang mata ko at sa pagmulat ko isang nilalang na ubod ng gwapo at hot ang nasa harap ko— WAHHHHH! si Sir. Sven!
"Sir—"
"In 10 minutes, I'll give you ten minutes to fix yourself! Unang araw mo palang late kana at boss mo pa talaga gigising sa'yo fvck!" inis nitong sigaw sa akin.
Akala ko kasi nasa bahay ako at si Papa ang gumigising sa akin. He saw me sleeping. May muta at panis na laway pa ako. Ang Dignida ko huhu!
Nagmamadali akong pumasok sa cr at naligo na. Lahat na yata ng pagmamadali na kilos nagawa kona dahil sa ten minutes na oras ni Sven sa akin. Hindi naman siguro nag military ito? Grabe kasi makapagmadali. Sino ba naman ako para pumalag at magreklamo eh assistant secretary lang ako.
Nakatapos na ako sa pag-aayos kaya nagmamadali akong lumabas ng cr, doon ko nakita na nasa higaan ko parin si Sven at naka-upo. Walang ibang tao sa kwarto kundi kami lang dalawa, matalim ang tingin nito sa akin parang kakainin ako ng buhay— pwede naman pero hindi pa ako handa hihi.
"Bagal mo, tara na." wika ni Sven habang nakapamulsa ang dalawang kamay niya.
"Sorry po talaga napagod kasi ako kahapon sir, hindi na po mauulit!"
"Next time dapat alerto ka sa paligid mo, baka mamaya rapist na ang pumasok sa kwarto hindi mo pa alam." seryoso nitong paalala sa akin.
Yiee. Concern ba siya sa akin?
"At wag ka basta-basta magtitiwala kila Frost at Sid, delekado pa sila kaysa sa rapist." Dagdag niya na kinatawa ko.
"HAHAHA! Grabe kayo sa pinsan niyo Sir, hayaan niyo loyal ako sainyo bilang Assistant Secretary!" masaya kong wika.
Masarap siguro magkaroon ng boyfriend na katulad ni Sven, pero malabo na mangyari dahil sino ba naman ako para mangarap ng mataas. Langit ang mga katulad ni Sven, at ang katulad ko ay lupa lang. Kahit anong gawin ko iba ang mundo namin sa mundo nila, kaya hanggat maaga pa hindi na dapat ako nag-iilusyon.
Nakarating na kami sa Twilight Company, namangha ako sa laki nito lalo na nang makapasok ako sa loob. Sa pagpasok ko sa loob meron mga display na malalaking libro, libro ng mga kilalang author. Someday, magiging katulad din nila ako— magiging kilala rin ako sa larangan ng pagsusulat.
"Do you like your workplace?" tanong ni Sven habang naglalakad kami papunta sa elevator.
"Yes, sir! One of my dreams is makapag-trabaho sa kilalang publishing company; ayun nga lang hindi ko nakuha na maging writer dito, pero masaya naman ako kasi assistant secretary mo ako at dito pa sa pangarap kong pasukan." masaya kong wika.
May oras pa naman, may oras pa para maging isa ako sa manunulat nila.
"Nagsusulat ka?" curious niyang tanong.
"Ah, oo, underrated writer, ako hindi masyadong kilala haha."
"That's good, makakatulong yan sa pagiging assistant mo." naka-ngiti na wika ni Sven.
Parang may anghel na dumaan sa harapan ko dahil sa ngiti niya. Kung ganito ba naman araw-araw, sisipagin akong gumising lagi ng maaga.
"Sven, bro!"
Napalingon kami sa lalaking tumawag kay Sven. Si Sid lang pala.
"Hmm, bakit ka nandito himala yata yan."
"Nakaka-umay mga babae sa bar e, dito muna ako baka may chikababes." wika nito sabay tingin sa akin.
Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Sven dahil sa pinsan niya. Namula naman ako dahil sa nakikita ko, affected ba siya?
"Stop teasing her; hindi siya katulad ng babae mo sa bar. Maghanap ka sa labas Sid wag si Winter!" galit na sigaw ni Sven kay Sid.
"Oh, chill! Binibiro ko lang naman si Winter. Ikaw Sven ha, possessive masyado." pang-aasar ni Sid.
Kita ko ang pamumula ng mukha ni Sven, kaya inagaw kona ang atensyon nila.
"Ano, sir malalate na tayo hehe." singit ko sa usapan nila.
"Sige na hilahin mo na ang pinsan kong menopause hahaha!" pang-aasar ni Sid.
Buti nalang at kahit pikon na si Sven, hindi parin niya pinapatulan si Sid. Nakakatuwa naman dagdag pogi points!
"Remember what I told you before,
Don't trust my cousins. Nakita mo naman ginawa niya di ba?" Paalala niya sa akin. Tumango ako bilang pagsang-ayon sa kanya.Kitang kita ang pagka-red flag ni Sid. Malayo talaga si Sven sa ugali ng dalawang pinsan niya.
"Yes po, noted!" nakasaludo kong sagot kay Sven. Nakita ko na bahagya siyang natawa, kaya napangit ako.
"Bakit ka natawa, sir?"
"Nothing, nakakatawa kasi mukha mo haha!"
Omg! Totoo ba ito napatawa ko ang isang masungit at cold na nilalang? ayon sa research ko walang nakakapagpatawa sa isang ito dahil nga seryosong nilalang siya, pero bakit ang effortless ng ginawa ko tumawa siya agad— wahh! nag-iinit ang pisngi ko.
Tumawa nalang din ako para damayan siya sa pagtawa. Una akala ko palagi na akong mapapagalitan ni Sven, pero feeling ko kabaliktaran ito ng iniisip ko.
_____________
BINABASA MO ANG
TEARS OF WINTER
General FictionWinter's dream is to become a well-known author for Twilight Publishing Company. The company is owned by the Savilles. To become closer to her dream, she applied to be the gardener at Hacienda Saville. But when she met Sven, everything changed.