Chapter XIX: Bukkake

934 55 21
                                    

Kahel

BUKKAKE—Juice colored hindi ko na siguro kailangang ipaliwanag kung ano ito. Siguro para sa mas simpleng terminolohiya, sabihin na lang nating ito ang tawag sa sabay-sabay na pagpapaputok ng baril ang maraming lalaki sa isang tao.

Tama! Putok ng baril. Sabay-sabay na putok. Ito ngayon ang nais kong gawin kay Lance. Kitang-kita ko silang dalawa ni Drake na nakaupo sa bleachers. Sa magkabilang dulo sila ng Ocean Park nakapuwesto habang tinatapos ko ang trabaho ko.

Pareho silang nakatitig sa akin. Si Drake na malaki ang eyebags na ayaw alisin ang kaniyang mata sa direksyon ko. Kulang na lang ay ipako niya ako sa kinauupuan kong bato bago pa ako makatakas.

At ang walang hiya kong ex. Nakasandal siya sa upuan niya. Nakadekuwatro ang upo ni buwiset habang magkasalubong ang mga kilay sa akin.

"Paalala po sa mga magulang, magsasara na po ang Ocean Park sa loob ng kalahating oras." Umalingawngaw muli ang boses ni Kuya Tom sa auditorium.

Nakaupo na ako sa parang isla sa gitna ng taas ng aquarium. Sa palibot makikita ang malaking stadium na kadalasang natatabunan ng yelo dahil dito nakatira ang mga alagang penguin ng parke. Nakatungtong ako sa malaking bato habang tubig na ang nasa aking harapan. May bakod hindi kalayuan sa akin kung saan ang mga bata ay panay ang kuha sa akin ng larawan.

Isa-isa nang nag-aalisan ang mga bata. Sa bawat pagkaunti ng mga tao ay lalong lumalamig ang paligid. Nababawasan na ang mga katawang humihigop sa lamig na dulot ng gabi.

"Ha-choo!" Bigla akong nabahing. Agad kong niyakap ang hubad kong katawan. Kasabay noon ay mga yabag ng paa na narinig kong humarurot patungo sa puwesto ko. Napatingala akong bigla. Drake and Lance were both running towards the water.

Handa na akong lumusong muli sana sa tubig upang pumunta sa pampang nang makarinig ako ng tilamsik at malakas na pagsisid.

"K!" sigaw ng ex-boyfriend kong gago. Lumalangoy na ito habang may hawak na kung anong nakasupot. "I have here a rash guard para hindi ka ginawin."

K? Kailan ko nga ba huling narinig iyon? Mahigit isang taon na siguro. Kitang-kita ko si Lance na basang-basa sa gitna ng aquarium habang matulin na lumalangoy. His arms flapped like butterflies. Napakaperpekto ng kaniyang mga galaw. No wonder, he was the ace of my previous team. Wala siyang pinagbago. Hindi niya inalintana ang suot niyang sweatshirt at fitted jeans makapunta lang sa kinauupuan ko.

"No," bulong ko. Unti-unti na namang pumasok sa ulo ang lahat ng troma na ginawa nang paglisan niya. Ang mga pangungutya. Ang mga masasamang usapan sa dati kong paaralan. "Don't come near me, you snake!"

Bigla akong napatayo. Nakalimutan kong suot ko pa pala ang mermaid tail na siyang dahilan para matumba ako at mahulog sa tubig.

I started to panic. Sa sobrang gusto kong huwag mapalapit sa dati kong nobyo ay hindi ko magawang palutangin ang katawan ko.

"Diyan ka lang, K! Malapit na ako." Malakas ang boses ni Lance habang iniinda niya ang tubig na pumapasok sa bibig niya.

I saw him rushing towards me like a shark. Para siyang mabangis na halimaw na nagpapanggap na mabuting tao patungo sa direksyon ko.

"No!" sigaw ko na. Ipinikit ko ang aking mga mata. "Not anymore, Lance Gabriel Valderama."

I tried my hardest to find my equilibrium. Kinalma ko ang mga galamay ko.

I started to float. I took advantage of my mermaid tail. I swam faster than my good for nothing ex boyfriend.

Narating niya ang gitna ng aquarium. Wala na siyang nadatnan sa batong kinauupuan ko kanina.

StoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon