CHAPTER X

174 5 0
                                    

"GEORGINA, I'm glad you came."

Tumayo si Rick mula sa kinauupuan upang kintalan siya ng halik sa pisngi pero agad niyang iniwas ang mukha. Maigi nang malinaw rito na hindi siya pumayag na makipagkita rito para makipag-ayos o umaktong balewala lang sa kanya ang lahat. Marahil ay nakarating na rin sa lalaki ang nangyaring pag-uusap nila ni Bethany sa mismong bahay ng mga ito.

"What do you want to eat?" tanong nito nang kapwa na sila nakaupo.

"This is not a date, Rick. Hindi mo na kailangang umaktong sweet sa akin. Tapos na ako sa yugto ng buhay ko na pinaniniwalaan ko lahat ng sinasabi mo."

"I know." Rumehistro ang guilt sa mukha ng former lover. "Nabanggit sa akin ni Bethany na nagkausap kayo."

"Ikaw ang ipinunta ko roon. Nawala na sa isip kong naroon nga pala ang asawa mo. Pero nakabuti na ginawa ko 'yun." Tumikhim ang dalaga. "I had the chance to apologize sa lahat ng nagawa kong kasalanan sa kanya. Bethany's a brave woman." Nilangkapan niya ng diin ang salitang "brave". Katangiang salat sa lalaking kaharap niya ngayon.

"Yeah. She's a brave woman."

"Why did you have to lie, Rick?" Pigil ang panginginig ng tinig na usisa niya. Anuman ang sagot na makuha niya, alam niyang wala na iyong magagawa sa sitwasyon. Ngunit nais pa rin niyang marinig mula rito. Para sa redemption niya.

Nakita niya ang pag-alon ng lalamunan ng lalaki. He looked at her intently, felt wary when she made sure he could read nothing on her face. Her face was devoid of any emotions. Walang mababakas na galit o pait doon. Sapat na ang mapapait na pangyayari sa buhay niya para pamanhirin ang damdamin niya. Bagaman alam niyang sa kanyang kaibuturan, hindi pa naghihilom ang sugat. Naroon pa rin ang sakit. Malalim iyon dahil sangkot doon si Lorenzo, ang lalaking lumikha ng malaking pitak sa puso niya sa loob lamang ng maigsing panahon.

"Wala na akong maisip na paraan para ipagtapat sa'yo ang lahat. Ayaw kong saktan ka."

"You did."

"I'm sorry."

Huli na ang salitang iyon. Gaya nang pagkagising niya sa katotohanan. Gusto niyang kapain sa dibdib ang pagpapatawad at natagpuan niya iyon, nasa pinakailalim ng kanyang puso. But it would take a lot of courage to dig deep. Ayaw niyang pilitin ang sariling ibigay iyon sa lalaki gayong alam niyang hindi pa niya kayang ipagkaloob iyon nang buo.

"My marriage with Bethany, you knew was not a perfect one. Bukod doon, may mga personal struggles ako. All along, I thought it was Bethany's fault but I realized, my diffidence got the best of me. Matalino si Bethany, mayaman. Mas magaling siya sa akin sa lahat ng aspeto. Upang isalba ko ang ego ko, I treated her as a competition. Ngunit sa kabila niyon, alam kong siya pa rin ang babaeng minahal ko.

"At ako..."

"Dumating ka sa buhay ko kung kailan sobrang pressured ako. Sa trabaho, sa Papa ni Bethany, sa pagsasama naming mag-asawa. Nang makita kita sa party more than three years ago, I saw sunshine. Literally, you'd shone that night. Madilim ang pinagdadaanan ko at ikaw...ikaw ang liwanag na hinahanap ko. Ngunit ang liwanag din na iyon ang bumulag sa akin."

Silence temporarily befell them.

"I'm so sorry." Muling wika ni Rick. Nabanaag niya ang katapatan sa pagsasabi ng mga katagang iyon.

"Siguro darating ang panahong mapapatawad din kita, hindi man ngayon pero baka-sakaling bukas o sa makalawa. Hindi ko masasabi. For now, ayaw ko nang magkanlong ng mga negatibong emotions. I have had enough. Gusto kong magsimula ulit nang positibo. But thank you for manning up this time, Rick. Thank you dahil personal kang nag-sorry sa mga nagawa mo. I wish you and Bethany the best."

The Good MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon