NAKAISMID na ipinasok ni Lianne ang cellphone sa kanyang bag. Nilingap niya ang kabuuan ng sinasakyang bus paakyat ng Baguio. Ilang minuto na lang ay nasa kapitolyo na siya. Kailangan niyang magbakasyon para kalimutan ang away nila ng kaniyang fiance, dahilan para maudlot ang dapat sana'y kasal nila next week.
Ngunit muling sinaklot ang puso niya ng pangungulila sa hindi pinag-isipang desisyon. Miss na miss na niya ang fiance. "Oh God, I need a sign. Mali nga yata ang desisyon kong ito..."
Napukaw ang atensiyon niya nang mula sa kabilang upuan ay bumubula-bulaga ang isang bilugang mukha. Napaka-gwapo ng batang titig na titig sa kanya. Kandong ito ng ina nitong napakaganda. Maging ang lalaking katabi ng babae ay napakagwapo. Kapwa tulog ang mag-asawa.
"Hi, handsome. What's your name?"
Nangiming ngumiti ang may apat na taong gulang na bata. Lumabas ang malalim nitong mga biloy. "I'm Laurence."
Iiling-iling na napangiti si Lianne. Kailangan ba talagang "Laurence" pa ang pangalan ng cute na tsikiting? Na-miss tuloy niyang lalo si Laurence The Fiance. Magsasalita pa sana ang bata nang sabay na nagising ang mga magulang nito. Agad na kinuha ng ama ang bata at pinupog iyon ng halik.
"Pasensya na at mukhang naistorbo ang pamamahinga mo, Miss. Napaka-friendly kasi talaga nitong anak ko. By the way, I'm Georgina." Anang ina nito. "And this is my husband, Lorenzo."
Wakas
BINABASA MO ANG
The Good Mistress
RomanceSa isang lipunang mataas ang pagpapahalaga sa kasagraduhan ng kasal, maituturing na isang social stigma ang pagpatol sa may asawa. Isang sitwasyong hindi kailanman maitatama ng isang justification o ng anumang rason. Ang baluktot ay baluktot. Ngunit...