Kabanata 13

1 0 0
                                    

Nang nawalan na ako ng malay, hindi ko na alam ang mga nangyayari sa aking paligid. At ang tanging naririnig ko na lamang ay isang boses nang umiiyak at mga maiingay na tunog ng mga sasakyan at ng isang ambulansya. Dahil sa pag-alala ni Levi sa akin sa mga pangyayari sa aming pinuntahan na pasyalan ay dinala niya ako sa hospital at tila naguguluhan siya sa mga nangyayari sa akin. Habang tumatakbo ang sinasakyan naming ambulansya may naririnig akong mga salita.

"Love naman, gumising ka na huwag mo kong iwan mahal na mahal kita hindi ko alam ang aking gagawin kapag mawawala ka sa akin" sambit niya.

At nang narinig ko na ang mga katagang iyon ay tuluyan na akong natulog.

Nang nakarating na ang ambulansya sa hospital ay dali-dali nila akong ipinunta sa ICU. Akala ni Levi ay iiwan ko na siya ngunit pagkalipas ng ilang minuto ay inilabas na nila ako roon at ipinunta sa isang private room. Agad namang tinawagan ni Levi si Daddy at sa mga kapatid ko.

"Hello Tito" umiiyak na sambit ni Levi. "Bakit iho napatawag ka? Bakit ka umiiyak? May nangyari ba? Ha?" sunod-sunod na sabi ng Daddy ko. "Ti-tito, si Maeve" patuloy pa rin sa pag-iyak. "Bakit? Anong nangyari kay Maeve? Anong nangyari sa anak ko? Dagdag pa niya rito. "Sasabihin ko na lang mamaya tito, nasa hospital po kami ni Maeve dito po sa hospital ng Adams" sambit ni Levi. "Sige pupunta na kami" sagot rin ng Daddy ko.

"What's wrong, Dad?" sabi ng ate ko na si Ivy. "Ang kapatid niyo nasa hospital kailangan nating puntahan siya" sabay sabi ni Daddy. "Anong nangyari kay Maeve, Dad?" dagdag ni kuya Joash. "Hindi ko rin alam, kaya pwede ba huwag kayong tanong nga tanong, magbihis na kayo kung gusto niyong sumama pero kung ayaw niyo ako na lang pupunta mag-isa", sabi ng daddy ko. "No, Dad!", sabay sabi nina ate Ivy at kuya Joash. "Sasama kami gusto kong makita si Maeve", sambit ni Ive. "At ayaw rin naming mag-isa ka lang pupunta dad delikado na ngayon lalo na't tumatanda na kayo" sabi naman ni Joash. "Kung gayon tayo na at bilisan natin dahil naghihintay na doon si Levi" sabi ni Daddy.

At dali-dali nang pumunta sina Daddy, ate at kuya sa hospital upang tignan ako. Buong magdamag binantayan ako ni Levi. Hindi na rin siya kumakain hanggang sa dumating na sina Daddy, ate at kuya ngunit dipa ako gumigising.

"Iho", sabi ni Daddy pagkakita niya kay Levi. "Tito!" sagot ni Levi at bigla niya itong niyakap. "Anong nangyari"? "Hindi ko po alam Tito, ang bilis ng pangyayari akala ko lang guni-guni na lang niya ang mga nangyayari sa kanya kahapon ngunit hindi pala", paliwanag ni Levi.

"Diko gets, anong pinagsasabi mong guni-guni lang niya yun?", sabay tanong ni Ivy. "Hindi ko po alam ate, habang kami ay nasa bundok ay madalas na siyang nahihilo at sinasabing masakit daw ang kanyak ulo pero lagi rin niyang sinasabi na kada nahihilo siya at sumasakit ang kanyak ulo ay guni-guni na lamang niya iyon. At nang umuwi na sana kami at nadaanan namin ang isang kubo doon at pagkatapos niya itong natanaw ay doon na siya nawalan ng malay. At di ko na alam kung ano ang gagawin ko, kaya dali ko nalang dinala dito sa malapit na hospital", paliwanag pa ni Levi.

Yumuko si ate Ivy at tumingin kina Daddy at Kuya Joash. Habang nag-iisip si Daddy ng paraan kung paano niya sasabihin kay Levi ang buong katotohanan tungkol sa akin ay bigla nalang nagsalita si kuya.

"Dad, what if sabihin na natin ang totoo sa kanya ang tungkol kay Maeve", sambit ni kuya Joash.

At narinig naman nito ni Levi na litong-lito na at gulong-gulo na sa mga nangyayari.

"Ano pong sasabihin niyo tungkol kay Maeve? ", tanong ni Levi kay Daddy. At sinundan pa ito ng isang tanong ni Levi,

"May lihim po ba kayo tungkol kay Maeve na hindi ko po nalalaman?". Napatingin nalang silang tatlong at nang sasabihin na sana ni Daddy ay pinilit na binago ni Kuya Joash ang daluyan ng usapan.

TALIMUWANGWhere stories live. Discover now