Chapter 20

11 1 0
                                    

Lorie's POV

Tapos na ang klase, ngayon ay nagdedecide lang kami kung saang bahay kami pwede pumunta para sa research namin. Japanese Culture? Ang easy naman nun. Pwede ngang si Kiara nalang gumawa nun dahil laking Japan naman ito.

"What about sa bahay ko nalang? Sa rooftop para di tayo masyado maistorbo" suhestyon ni Candy na sinangayunan naman ng lahat. Tinignan ko si Kiara, tahimik lang itong nakacrossed arms at nakikinig sa amin. Napangiti naman ako, ayan na naman sya sa attitude nya.

"Eh nagsasawa na ko sa bahay mo" pang aasar ni Leo. Ship na yan sila noon pa, pero walang umaamin sa kanila kung gusto na ba nila ang isa't isa. "Sa Library nalang, para may mga books na" saad ni Krish. Tinanguan naman sya.

"Ts, ayoko sa library, nakakasawa na sa school" sa wakas ay nagsalita na rin itong si Kiara.

"Pero para may advantage din tayo-"

"Ayoko." Uhuh, wala na kaming magagawa pag nagdesisyon na itong si Kiara. Halos araw araw simula pagkabata ay nasasaksihan ko na ang mga ganyan nya, pero siguro ganyan sya dahil na rin sa mga dinanas nya.

"Yep wag na tayo don, syaka andun ung group 2, baka magkaagawan tayo ng ideas" saad ko. Hinanda ko na ang gamit ko dahil nga sa bahay nalang kami ni Candy.

"Group 1 tayo diba?" Tinignan ko si Kiara. Nakalimutan nya ba? "So group 2 yung katabi mo?" I sighed, yep, i get it.

"Sa Library tayo" saad nya at tumayo na.
"Pero sabi mo-" Napatahimik na lamang si Candy nang tignan sya ng masama ni Kiara. Napailing na lamang ako.


Wala masyadong tao dito sa Library. Tinry ko pa ngang hanapin si Maddi, wala naman sya. Akala ko ba dito sila? Umupo na kami sa isang table at nagsimula nang magisip.

Nang tignan ko naman si Kiara ay, nakasimangot ito. Ano na naman ba nangyare dito?

"Anyare? Kamusta?" bulong ko. Di nya ako pinansin at nag pen tap nalang sya. Hay nako.

"Kiara nasa library tayo, wag kang maingay" wika ko rito. Umirap lang ito at yumuko na. Kami lamang ang nagvebrainstorm rito habang si Kiara ay nakayuko. Alam naman naming mas malaking ambag ang gagawin ni Kiara kahit nakayuko lang ito.

"Tumulong kayo ah!" Tumingin kami sa bagong pasok na grupo. Group 3 ito. Tinignan ko sila isa isa, jusko buti nalang ay wala akong naging kagrupong isa sa kanila. Halos grupo sila nang mga pasaway at sakit sa ulo ng mga teachers. Napailing nalang ako at di na namin sila pinansin.

"We can use Japanese new year, or what they called Shōgatsu, it happens every January 1, kaparehas lang ng atin pero umaabot ng almost one week ung celebration nila" suggest ko. Tumango naman sila.

"What do you say, Kiara?" tanong ko. Nakasandal ang paa nito sa lamesa at para na syang nakahiga. Oo, hindi sya masasaway ng Librarian, dahil pati Librarian ay takot sakanya. Tinapik ko ang paa nito ngunit hindi parin ito umaayos.

"Oshōgatsu, ayon ang tawag sa new year nila, they ring the bell 108 times, 8 times for the old years, and 100 times to usher the new year, that's too simple." saad nya. Hind parin ito umaayos. Napahinga na lamang ako at nagisip pa ng ibang culture nila. Habang nagiisip ako ay di ko namalayang pinipindot pindot ko ang ballpen at gumagawa ng ingay. Agad na lumapit yung isang member ng group 3.

"Pwede po bang wag kayo maingay, nagiisip po kase kami" saad nya kaya nanghingi ako agad ng pasensya ngunit nagsalita si Kiara.

"Tanggalin mo tenga mo kung narirndi ka sa simpleng tunog ng ballpen." mataray na wika ni Kiara. Napangiti na lamang ako at sinenyasan ang lumapit na di na ko magiingay ulit. Kita kong nainis ito ngunit umupo nalang. Tinignan ko si Kiara, she's effortlessly scary.



Just My Not-So Denial ClassmateWhere stories live. Discover now