Chapter 23: Baby Bump

252 10 0
                                    

"Baby, huwag mo na ulit bati si Daddy Doc, ha? Inaway na naman niya 'ko e." Pagsusumbong ni Dreams sa bata na nasa kanyang sinapupuna na animo'y naririnig siya nito. Hawak-hawak niya ang kanyang tiyan saka bahagyang hinahaplos. "Alam mo bang hindi pala bukal sa loob niyang samahan tayo sa check-up kanina? At hindi lang 'yon, sinumbat niya pa 'yong panlilibre niya sa'yo. Psh." Patuloy na pagpaparinig ni Dreams sa binata.






Napapikit sa inis si Kaiden at bahagyang hinilot ang kanyang sentido. Saglit niyang sinulyapan si Dreams saka napunta sa tiyan ng babae ang kanyang tingin bago niya itinuon sa pagmamaneho ang kanyang atensyon.





"Tigilan mo nga 'yang paninirang puri mo sa'kin diyan sa bata." Salubong na kilay na singhal ni Kaiden rito at nagpakawala ng mabigat na buntong hininga. "Anong pinagsasabi mo na inaaway kita? Ikaw nga 'tong putak ng putak diyan e, ayaw mo magpatalo. Ako na nga 'tong  nagpapakahumble, ako na nga 'tong bumabawu, ikaw pa 'tong lakas makaarte."



Padabog na hinarap siya ng buntis na kasama. Masama na tingin ang itinapon ni Dreams sa kanya na konti na lang ay papatayin na siya nito sa mga titig na 'yon. Pinagkrus ni Dreams ang mga braso nito sa kanyang dibdib at pinagtaasan ng kilay ang kaharap na lalaki.






"Hindi nga ako nag-iinarte, okay?" Asik ng babae. "Bakit ba hindi mo 'ko kayang intindihin?"






"Bahala ka dyan. Huwag mo'kong kausapin."






Inabot ni Kaiden ang volume ng patugtog niya't nilakasan ito para hindi niya marinig ang pagbubunganga ni Dreams sa kanya. Kada magsasalita si Dreams ay lalakasan niya ito hanggang sa tuluyan nang sumuko ang babae. Pumirmi na ito sa kanyang kinauupuan at pinili na lang na manahimik. Hanggang sa makarating sila sa parking lot ng unit ni Kaiden, walang umimik sa kanila. Hindi sila nag-imikan.






"Wow! Ganyan ba ang bumabawi? Kung makapagsalita ng maarte, siya 'tong dinaig pa ang babae kung magtampo. Psh" Singhal ni Dreams nang hindi manlang siya pinagbuksan ni Kaiden ng pinto ng sasakyan. Wala tuloy siyang choice kundi ang bumaba mag-isa habang isinusumpang tinititigan ang bulto ni Kaiden na naglalakad sa may hagdanan. Ni hindi siya nito tinulungan upang dalhin ang mga tinakeout nilang pagkain.







Patakbo niyang sinundan si Kaiden sa may hagdanan. Kaagad siyang pinapasok nang guard dahil kilala naman siya nito. Nagprisinta pa ang guard na tulungan siya sa pagdadala ng mga paperbag pero umayaw siya. Habol niya ang hininga nang tuluyan niyang naabutan si Kaiden na papasok sa may elevator.






"Hindi mo manlang ba 'ko tutulungan? Bawal pagbuhatin ang mga buntis." Pagpaparinig niya sa lalaki, hindi siya nag-aksaya ng panahon para tignan ito sa mata. Diretso siyang nakatitig sa mga numero ng elevator na pinipindot ni Kaiden.






Sinulyapan siya ni Kaiden matapos niyang mapindot ang number 3 sa pindutan. Nagtama ang kanilang tingin, nginitian niya ng matamis ito para mauto niya ang lalaki. Sumasakit kasi ang braso niya sa pagbubuhat ng mga paperbag na medyo may kabigatan.







Sinulyapan siya ng lalaki saka tumingin sa hawak niyang paperbag. Mukhang napansin nito na nabibigatan nga siya. Nakita niyang ngumiti si Kaiden ng matamis kaya mukhang nauto niya ito. Iniabot niya ang mabigat na paperbag  at napansin niyang gumalaw ang kamay ng binata upang kunin ang mga ito sa kanya.







"Blag!"






Sunod na narinig ni Dreams ang pagbagsak ng paperbag sa sahig, mabuti na lang at sila lang ang tao sa elevator sa mga oras na 'yon.






HER UNEXPECTED PREGNANCY (COMPLETED) SELF-PUB UNDER IMMACTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon