CHAPTER 12

3.5K 48 6
                                    

“WOW”manghang sambit ni Aster ng makalabas kami ng airport dito sa Pilipinas.Her eyes was twinkling while wondering around.

“You love it,baby?”sambit ko habang nakatayo sa tabi n’ya at nakababa ang tingin sa anak ko.

“I super love it here,mommy ko!”tili ni Aster kaya natawa ako,’yong ibang tao tuloy dito ay napatingin sa p’westo namin.The people here doesn’t recognize me because I was wearing a shades and a hat.And I’m also pair it with black polo-blouse and a ripped jeans,si Aster naman ay nakasuot ng pink na skirt at blue croptop with thin straps and a white cardigan.Para naman hindi sabihin ng mga tao dito na malaswa ang suot ng anak ko.

Mamaya masabihan pa ako dito na tinuturuan ko na mag-suot ng kung ano-ano ‘yong bata.Mga judgemental pa naman na ‘yong mga tao ngayon,makakita lang ng maliit na bagay na p’wede nilang pagtsismisan ay masaya na sila.What a judgemental people and their small brains.

“Yeah”ngiti ko sa anak ko at inakay na s’ya.’Yong gamit naman namin ay nasa cart na tinutulak ko,I didn’t call anyone here,even my friends that I will go home now.Kaya wala akong ibang p’wedeng gawin kundi ang magtulak ng mabibigat na dala namin.

Hindi na nga sana ako magdadala ng gamit namin dahil p’wede naman akong bumili at may iba pa naman akong damit sa condo kaya lang ay kailangan kong magtipid at magpaka-practical dahil may anak na ako at hindi lang ako nag-iisa ngayon.

Halos kalahati ng mga damit namin ni Aster ay dala namin,nagtawag nalang ako ng driver namin na nandito sa Pilipinas para sunduin kami,mas hassle kasi kung maghihintay pa kami ng taxi.

“Mommy ko,nasaan na po ‘yong car natin?”tanong ng anak ko at hinipan ang maliit na buhok na humarang sa mata n’ya.

“There baby”I said and pointed the black limousine.

“Hmm”she hummed and we both start walking towards the limousine.Bumaba na ‘yong driver at tinulungan akong ikarga ang mga maleta sa van.

Nang matapos na ay sumakay na din ako sa backseat,habang na-byahe kami papunta sa mansion namin dito sa Pinas,si Aster naman ay nakasilip lang sa bintana at manghang nakatingin sa mga nadadaanan namin.

“Mommy ko,it’s hot here but I love it here”sambit ng anak ko kaya natawa ako.Tinanggal ko ang suot n’yang cardigan ng sa gano’n ay makahinga naman s’ya ng ayos.

“Grabe 'nak, parang ilang taon lang kayo nawala may anak na agad kayo”sambit ni tatay Noel,’yong driver namin.He was our old driver,matagal na s’yang nagta-trabaho sa amin at sila din ng pamilya n’ya ang caretaker ng bahay namin dito sa Pinas.

Pinagre-retired na nga ni mommy sila tatay Noel at ‘yong asawa nito pero ayaw naman nila,sabi ko naman ay hindi naman sila mawawalan ng pagkakakitaan dahil bibigyan namin sila ng negosyo pero ayaw pa din nila dahil mas gusto daw talaga nila ang mag-trabaho sa amin kaya pinabayaan nalang namin.

Matatanda na din kasi sila kaya gusto ng patigilin nila mommy mag-trabaho pero sadyang matigas ang ulo ng mag-asawa kaya wala kaming magawa.At lumaki talaga akong kasama na silang mag-asawa,sa t’wing wala nga ang mga magulang ko ay sila ang nag-aalaga sa akin kaya hindi na din sila iba sa akin at kila mommy.

“Naku ‘tay,ang daming nangyari sa akin sa nakalipas na taon.Hindi ko nga din akalain na mabibiyayaan ako ng ganitong ka-cute na anak”natatawang sambit ko.

Billionaire 6:Asher Antonio Where stories live. Discover now