Chapter 18: All of Him (Flashback)

188 17 19
                                    

Four years ago . . .


Bakit ba kailangang sumulpot ka kung kailan nagiging okay na ako? At sa birthday ko pa! Gustong-gusto ko 'to isigaw, pero nawalan ng espasyo ang lungs ko katatakbo. Nang hinawakan niya ang braso ko, biglang bumalik lahat ng alaala na nagkikita kami, kumakain, nag-uusap, tumatawa . . . naghahalikan.

"Aelle, wait—"

Hinila ko ang kamay ko papalayo sa kanya habang kagat-kagat ang labi ko dahil sa halo-halong emosyon. Kakalimutan ko na nga, e, pero di ibig sabihin na pinapatawad ko na siya. Ni hindi nga siya nag-sorry, at kung nandito siya para do'n, bakit umabot ng ganito katagal?

Ready na akong itanong kung ano'ng ginagawa niya at ba't niya ako hinabol—isang bagay na dapat ginawa na niya three months ago—pero nang napatitig ako sa mga mata ni Harvey Luna, ang unang lalaki na nagpatunay na puwede pala akong magkagusto, biglang natunaw ang galit ko. Gusto ko siyang yakapin at halikan katulad no'ng huling gabi na nagkita kami.

Walang umimik. Tinitigan lang niya ako gamit ang mga mata niyang may dalang pagsisisi. 'Tapos hinaplos niya ang pisngi ko at naglagay ng ilang hibla ng buhok ko sa likod ng tenga ko. May gusto siyang sabihin, pero ilang beses siya napaatras. Parang romance movie.

My lips parted to breathe, pero nang ginawa ko 'yon, hinaplos—o nahaplos—niya ang mga labi ko gamit ang hinlalaki niya. Di ko kasi alam kung sadya.

"I'm sorry, Aelle," sabi niya. "I'm . . . really, really sorry."

Hay.

Ewan, pero naging sapat na 'yon para ibaon ang buong mukha ko sa dibdib niya habang mahigpit na hawak ang sleeves ng shirt niya. He then slowly circled his arms around me and . . . ang sarap. Ramdam ko ang init . . . na parang nawala lahat ng lungkot at galit ko sa kanya sa isang araw lang. I felt free, secure, and safe.

Ayoko sanang umiyak, pero tumulo na lang.

"Ano'ng . . . ano'ng nagawa ko?" bulong ko, pero wala siyang sinagot. Napaatras ako at napatingin sa kanya. "I'll listen. Just don't leave me hanging."

Pero biglang may bumusina. Akala ko random individual lang na hindi trip ang mga lovey-dovey couples sa paligid, pero nang rumolyo pababa ang bintana ng sasakyan, nakakita ako ng isang lalaki, around his late twenties, nakapolo. Medyo kamukha niya si Harvey, pero may facial hair.

"Hoy, sabi mo bibili ka lang," sabi ng lalaki kay Harvey. "Nagmamadali ako."

"One minute lang, Kuya."

Kuya? May kapatid pala siya?

"Hindi. Kailangan ko nang umalis. Sorry sa kasama mo, pero sakay na!"

Para hindi na sila magtalo, pinilit ko si Harvey na umalis. "Go na. We'll just talk some other time."

"Special today, e . . ." Narinig kong bulong niya. Akala ko pa nga dahil Valentine's, pero bigla niyang sinabi, "Di ko puwede ma-miss ang birthday mo. Please, will you come with me?"

Walang alinlangan akong tumango at kinuha ang kamay niya para pumasok sa loob ng sasakyan kahit na hindi ko alam kung sa'n kami pupunta.

"Kuya, tropa ko."

Tropa.

"Tropa pero magkayakap," sabi ng kuya niya.

"Matagal kasi kaming di nagkita," sagot ni Harvey. "Aelle, pinsan ko."

May binaggit siyang pangalan, pero di ko maintindihan. Naka-focus ang utak ko sa fact na kasama ko uli si Harvey. May napulot naman ako sa conversation nila: una, 'yung simula pa uwian no'ng nasa coffee shop si Harvey; pangalawa, pupunta kami sa bahay nila dahil do'n naman talaga siya magpapa-drop off.

Ang Pagsamo ng mga Tala at ang Paghihimagsik ni Aelle Malaya (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon