Prologue:
First day of second semester. This is the first day of school after everyone being isolated in their house. I can now smell the pollution of the city, the hot wind that touches my skin and the irritating noise coming from the vehicles.
I can't believe that I am living in the city alone. Hindi ko naman inakala na ganito pala talaga kagulo sa Manila, nakipagsiksikan pa ako kanina para lang makaupo ang kakarampot kong puwet sa jeep pero hindi naman ako makapag-reklamo dahil wala naman akong pera para sumakay ng taxi. Tiyaka isa pa, baka iikot lang ako ng nga taxi driver dahil wala pa naman akong alam dito sa Manila. Hindi ko rin alam kung paano mag-commute papunta sa school ko dahil online pa ang naging enrollment namin, mabuti na lang at may guide na binigay ang kaibigan kong si Tanner.
On the other hand, mas maganda na rin dito–malayo sa pamilya ko at malayong-malayo sa mga kapit-bahay na chismosa. And one thing is for sure, I will create a new experience and memories in this place.
Bigla akong natauhan nang nagsisibabaan na sa jeep ang halos lahat ng estudyante kaya bumaba na rin ako. Tumingin naman ako sa paligid para tingnan kung nasaan ang landmark na sinasabi ni Tanner ang kaso nga lang ay hindi ko makita. Agad kong kinuha ang cellphone ko tiyaka ko tiningnan ang google map, halos mapasapo ako sa noo nang makita ko na mali ako nang binabaan.
Napatingin ako sa aking orasan dahil ilang minuto na lang ay magsisimula na ang klase namin. Pero hindi ko man lang alam kung nasaan ako. Titingnan ko pa lang sana sa google map ang kaso nga lang ay saktong nag-text na ang sim provider ko na expired na ang load ko.
Nakampucha, minsan na nga lang mag-load hindi pa magagamit sa gantong pagkakataon.
Halos magpadyak ako sa inis, ayoko naman magtanong sa mga tao dito kasi lahat sila ay stranger sa akin no! Kahit na patirik na ang araw ay natatakot pa rin akong kausapin sila lalo na at mukhang laking siyudad silang lahat. Panigurado, halata nilang isa akong probinsiyana.
Wala na akong magawa kung hindi gamitin ang free data ko. May sinesend nang picture sa akin si Tanner pero dahil wala akong load ay hindi ko makita kung ano iyon. Nag-chat na lang ako sa kanya kung nasaan ako.
Tiffany Grace Garcia: nasaan ako???
Tanner Klint Gomez: aba te malay ko???? Nasaan ka???
Tiffany Grace Garcia: help!!! Hindi ko alam kung nasaan ako???
And with that, sent na lang ang lumitaw sa messenger ko. Siguro ay nasa biyahe pa si bading kaya papatay-patay ang data niya.
"Kainis," bulong ko sa sarili ko. Wala na akong choice kung hindi mag-chat sa gc namin magkaklase baka sakaling alam nila kung nasaan ako.
Hindi ko pa naman kilala ang iba sa kanila. Though, nakilala ko ang iba dahil block mates namin sila last sem pero sa screen lang naman namin nakikita ang pagmumukha ng isa't-isa.
Bumuntong hininga na lang ako pagkatapos kong sinend ang message ko sa gc. Maraming nagreply dahil nilagyan ko ng babagsak sa mathematics in the modern world ang hindi nagreply. Hindi ko lang alam kung paano ipaliwanag sa kanila na hindi ko alam kung nasaan ako. Nagtingin ako sa paligid at may nakitang mall na malapit sa kinatatayuan ko at nalaman ko na kung nasaan ako kaya agad akong nagchat sa gc namin na nasa mall ako at kung may malapit man sa kanila ay baka pwede nila akong puntahan.
"Huy!" Nagulat ako nang may bumulaga sa akin sa mall, mukhang papasok na rin siya sa school base sa kanyang suot na uniform at ID. Dahil ako ang monitor last sem ay kilala ko kung sino siya.
"Adrian?" Patanong na tawag ko sa pangalan niya dahil baka nagkamali ako. May face mask pa kasi kaya naman mata lang ang kita. Maligaya niyang tinanggal ang kanyang face mask habang nakangiti.
BINABASA MO ANG
Midnight Change
Teen FictionIn the realm of academia, Tiffany Grace stood tall as a relentless pursuer of knowledge, her thirst for academic validation insatiable. Yet, there was a peculiar aspect to her scholarly journey-a distinctive absence of competitiveness. Tiffany never...