Chapter 24: Bra

224 8 0
                                    

"Bes, free ka ba today?" Pakikipag-usap ni Dreams kay April na nasa kabilang linya ng tawag. Nakaipit ang selpon nito sa pagitan ng balikat at teinga nito. Sa mga oras na 'yon kasi ay abala siyang nagluluto ng kanyang umagahan. May mahalaga siyang sasabihin kay April at kinakailangan niya itong makausap ng personal.






"Oo, bakit anong kailangan mo? Don't tell me lalamutakin mo na naman 'yong mga  lansones namin dito ah."






Natawa si Dreams sa pinuna ni April sa kanya. Alam ng kanyang kaibigan na naglilihi siya ng sobra sa lansones. Sakto naman na may tanim na lansones sa harapan ng bahay nina April kaya kinukulit niyang bigyan siya nito. Hindi  lang isang beses na humingi na ito sa kanila. Walang magawa si April kundi ang pagbigyan ang gusto ng maligalig na buntis at baka ito ay magtampo.






"Basta, saka ko na sasabihin sa'yo. Pupunta ako diyan ah. Bye." Hindi niya hinintay na sumagot si April at kanyang pinatau na ang tawag sala inilapag sa mesa ang selpon nito. Ibinalik niya sa pagluluto ang atensyon dahil kinakailangan niyang bilisan para hindi niya maabutan ang rush hour sa daan.


Pancake ang naisipan niyang lutuin dahil iyon ang madaling ihanda. Matapos magluto ng pancake ay nagprito rin siy ng isang itlog para balanse ang sustansya na makukuha niya. Hindi niya rin nakalimutan na magtimpla ng gatas para sa baby niya. Nakahiligan lang naman niyang uminom ng gatas noong buntis na siya. Dati-dati ay ayaw niya ang lasa ng gatas, nandidiri siya roon. Pero ngayon na buntis siya, kinakailangan niyang uminom ng ganon para mabigyan ng masustansyang inumin ang kanyang anak.





"Ouch! Tangina!"






Kaagad siyang napalayo sa gawi ng stove nang matalsikan siya ng mantika habang niluluto ang itlog. Pinatay niya ang apoy para hindi masunog ang kanyang niluluto. Nakaramdam siya ng paghapdi sa noo nito kung saan tumalsik ang mainit na mantika. Hinipo niya ito at napapamura ng malutong dahil kakaiba ang sakit na dulot non sa kanya.






"Patingin."






May kamay na humawi sa kamay niyang humihipo sa kanyang noo. Naramdaman niya ang maingat na paghawak ni Kaiden sa kanyang mukha. Sa katangkarang taglay nito ay halos maduling si Dreams habang pinapanood si Kaiden na sinusuri ang kanyang noo na napaso sa tumalsik na mantika. Kahit bagong gising ang lalaki, kakaiba pa rin ang bangong taglay nito sa pang-amoy ni Dreams. Amoy na amoy niya ang nakakabaliw na bango ni Kaiden na halos bumarado sa ilong niya.






Natunaw ang puso ni Dreams nang mapansin ang nag-aalalang mukha ni Kaiden habang abala pa rin ito sa pagsusuri sa kanyang noo. Hindi niya napigilan ang magpakawala ng matamis na ngiti sa kanyang labi dahil sa ginawa ng lalaki sa kanya.







"Huwag ka ngang tatanga-tanga." Panenermon ni Kaiden rito sa maawtoridad na tinig. Para siyang nag-aalala na may halong inis at galit sa kanyang awra.






"Hindi ko naman alam na tatalsik 'yong mantika e." Pigil ang ngiti na ginawa ni Dreams.






Naglakad ang lalaki palapit sa cabinet kung saan nakalagay ang medicine kit at  nag-aksaya ng oras para gamutin ang paso sa noo ni Dreams.






"Sus! Huwag mo ng gamutin, hindi naman nagdugo e. Saka, hindi ko ikakamatay, malayo 'to sa bituka." Hinawi niya paalis ang kamay ni Kaiden na abalang naglalagay ng oitment sa kanyang noo.






Matalim ang tingin na itinapon ni Kaiden sa kanya kaya napalunok nito. Kasunod noon ay padabog siyang hinapit ni Kaiden palapit aa kanya kaya halos napasubsob siya sa matigas na dibdib ng lalaki. Sa ikalawang pagkakataon ay napalunok siya. Hindi siya manhid para hindi maramdaman ang matigas na bagay sa dibdib ni Kaiden na tinatawag nilang abs. Noon pagkakataon niya lang nalapitan ng sobrang lapit ang lalaki at kakaiba ang dating non sa kanyang sistema.





HER UNEXPECTED PREGNANCY (COMPLETED) SELF-PUB UNDER IMMACTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon