ASIAN MEDICAL CENTER.
Hindi ito ang hospital na ineexpect ng family ko na mapipili ko for my residencial program. Sa haba ng listahan ng mga nirecomend saken ng university after practicum-- etong nasa pinaka dulo at country side na hospital ang inapplyan ko.
I came from a family of doctors. My parents are both doctors, some of my titos and titas, few cousins and of course-- pati ang dalawang nakakatanda kong kapatid are doctors too. Most of them are well known in the practice and are working for big hospitals. It was actually expected na magiiba ako ng profession. Ewan ko ba kung bakit nila naisip yun pero growing up I was inspired by their sucess and how they help people that's why I also became one.
I just want to go on a little bit different path from them. Gusto ko magserve sa mas in need.
Surprisingly, they respected my decision. Maganda daw na training grounds para saken ang ganitong ospital kaya naman nagpatuloy din ako.
So far, habang tumatagal na nandito ako sa Asian Medical Center, ramdam ko yung saya kapag nakakatulong ako sa mas nangangailangan at mas natututo ako first hand sa realidad ng propesyon na napili ko.
But it was then..
Ngayon I'm not quite sure if I'm masaya pa ba ako. Lalo na pag dumadating yung mga oras na naaalala ko siya...
* * *
HUNILI ako ang room 201 para sa rounds ko. Alam ko kasing matatagalan ako sa room na yun kaya inuna ko na muna yung iba kong mga pasyente.
Kumatok ako ng ilang beses bago pumasok kahit pa alam kong gising pa siya dahil naririnig ko yung familiar na kanta mula dito sa pinto. Inayos ko muna ang sarili ko at ngumiti bago pumasok. Importante na positive aura ang ipakita ko sa espesyal na pasyente na 'to.
"Kamusta ang paborito kong pasyente?"
"Doc Sam! Dalian mo kantahin na ni Rebecca yung favorite song natin!" muka ng isang batang excited ang bumungad sa akin pag pasok ko ng pinto. Siya si Nam, ang paborito kong pasyente. Hindi siya naka assign saken. Nakilala ko lang siya isang beses na napadaan ako sa isang event ng ospital para sa may mga cancer na batang pasyente.
Sobrang natuwa ako nuon sa pagiging bibo niya kaya naman pagkatapos nuon. Gustong gusto ko siyang dinadalaw pagtapos ng rounds ko para makipag kwentuhan at makipag kulitan. I grew found of her.
Mahigit anim na buwan palang simula nang pumasok ako dito sa ospital pero si Nam, halos mag dadalawang taon nang pasyente dito. She has has an acute leukemia at her young age of 9. Madalas ko siyang naaabutan na magisa nag lalaro o nanunuod ng mga videos sa kwarto niya.
Naikwento saken ng isa sa mga nurse na nag aalaga sa kanya na parehong nasa ibang bansa ang mga magulang ni Nam at kahit na malubha na ang lagay niya ay hindi pa rin nila magawang umuwi ng bansa dahil nag TNT sila. Natatakot na baka pag umuwi sila mas lalo nilang hindi masustentohan ang pagpapagamot ni Nam. Ang kwento saken ng mga nurse na nagbabantay sakanya eh buong akala ng mga magulang niya na meron silang kamag anak na nagbabantay dito sa bata pero ang totoo-- paminsan minsan lang siyang dinadalaw ng tita niya para dalhan ng malinis na damit na maisusuot.
Nakakalungkot isipin na walang ibang tumitingin at dumadalaw sakanya dito kundi ang mga nurse. Her life is too tragic for her age kaya naman ginagawa ko lahat ng kaya ko to cheer up.
"Sakto lang pala ang dating ko. Nam-nam, naubos mo naman ba yung dinalang pagkaen ni Nurse Sally kanina?" tanong ko nang maupo ako sa tabi niya. Masaya naman siyang tumango sa sinabi ko.
"Yes po, Doc. Favorite ko yung na kalabasa na ulam ko kanina kaya naubos ko lahat!" pagyayabang pa niya.
"Eh yung mga gamot mo?"
BINABASA MO ANG
The Perfect Idol
FanfictionRebecca Patricia Armstrong became a household name at her age of 22 but everything went on a spiral when she mysteriously vanished. Only her last consulting doctor knows all the answers to what really happened that one faithful night. Was she been...