Isang Pormal na Sanaysay
Sa kalagitnaan ng matinding pagod na nadarama ay hindi magagawang isuko ng isang taong determinado, pasensyado, at pursigido ang sarili nitong pangarap. Kaya't papasok pa rin nang matiwasay sa institusyong siyang susukat sa sariling kakayahan, kahit na uuwing bigo at bagsak ang mga balikat.
Marahil ay hirap sa pagkapit ngunit sa kabila ng anumang dagok na hinaharap at haharapin pa sa buhay ay hindi maiisipang bumitaw sapagkat mayroong naghihintay sa bawat pag-uwi. Mula sa kumakaway na buntot, mga biyas na hindi matigil sa paghakbang, mapuputing balahibo na tinatangay ng hangin, hanggang sa mga taingang tumitiklop sa marahang haplos na ibinibigay ng dumating.
Tila hindi maitago ng dilang handa nang dumampi sa mukha ng amo ang labis na pagkagalak at pagkasabik sa kanyang pag-uwi. At sa paghagkan ng may-ari, mapagtatanto na matapos ang isang araw na dilim ang namukod-tangi ay may isang kanlungan na siya rito'y papawi.
YOU ARE READING
Tahanan
Non-FictionHindi lahat ng tahanan ay gawa sa konkretong semento. Ang iba ay gawa sa dalisay na puso.