Tahanan

30 0 0
                                    


Isang Di-Pormal na Sanaysay

           Papasok nang masaya ngunit uuwing pagod. Iyan ang palagi kong eksena sa pagpasok sa paaralan.

             Lilisanin ang bahay upang buksan ang bagong pintuan ngunit alam kong kahit ilang silid pa ang pasukin ko, iisa lamang ang tunay na makapagbibigay sa akin ng kaligayahan. Bagama't isang hayop lamang ito para sa iba, alalahaning hindi ako sila. Sapagkat hindi lang ito isang alagang magbabantay sa bahay kapag walang tao, ang bubugaw sa mga pusang hindi magawang tantanan ang mga putaheng bagong luto, at ang siyang mag-aalarma sa amin kapag may nagtatangkang magnakaw sa mga salaping pilit naming itinatago.

             Dahil sa aking paningin, siya ay isang kaibigang handang pakinggan ang lahat ng nais kong ibahagi, isang kapamilyang hahagkan ako tuwing binabalot ako ng pighati, at isang tahanang hihintayin ang aking pag-uwi.

TahananWhere stories live. Discover now