SOPHIE'S POVMagkahawak kamay na bunalik sina Zia at Nathan sa table. Kitang kita ang saya sa mga mukha nila. Napangiti ako dahil sa wakas ay nagkabati na din ang dalawang yun at pareho na silang masaya sa piling ng taong mahal nila.
Ako kaya?
Kailan kaya kami magiging okay ni Eros?
Nakakalungkot isipin na ganun ganun na lang niya tinapon ang magagandang alaala namin dati dahil dumating si Maxine.
Miss na miss ko na siya :(
Tumingin ako sa table na kinaroroonan niya at nakita ko kung gaano siya kasaya kasama ni Maxine.
Biglang kumirot ang puso ko.
Ang tagal na ng panahong lumipas pero ngayon hindi pa rin nawawala ang sakit. Ibinaling ko na lamang ang aking atensyon sa mga kasama ko sa table para maiwasan ang lungkot na nararamdaman ko ngayon.
"Hoy ayan makinig na kayo! Iaannounce na ang Prom King and Queen!" Sabi ni Erin na mukhang excited na excited.
Lutang na lutang pa rin ako hanggang ngayon. Ang sakit ng dibdib ko. Parang gusto kong umiyak kaso kakayat ang make up ko sa mukha ko. Umubob na lamang ako sa table para hindi nila mahalata ang nga namunuong luha sa aking mga mata.
"Our Prom King is no other than...............
candidate number 44! Mr. Eros Andrei Martinez!"
Wala pagtataka. Si Eros nga ang nanalo. Napakaswerte ng babaeng magiging Prom Queen dahil makakasayaw niya si Eros. Lalo tuloy nanikip ang dibdib ko. Imposibleng ako yun dahil napakaraming babae dito ang mas maganda at mas sexy kaysa sa akin.
Mas maraming babae dito ang mas bagay sa kanya.
Hindi na ako aasa.
"Hoy Sophie kanina ka pa tinatawag sa stage ano ka ba! Number 28 oh! Ikaw yun! Pumunta ka na dun at kanina ka pang tinatawag! Diyos ko Sophie! Tumayo ka na diyan!"
Nagulat ako sa sigaw ni Zia. Ha? Ako? Baka nagkakamali lang sila.
"Ahmm? Where is Candidate number 28? Ms. Sophia Coreen Madrigal?"
Bigla akong napatayo nang tawagin ng emcee ang pangalan ko. Nagpalakpakan ang mga tao at chinicheer nila ako! Pumunta na ako sa stage kung saan ako aawardan.
Parang ngayon hindi ko na matatakasan si Eros.
Pagkabigay sa akin ng sash, trophy at bulaklak ay agad tumama ang mga flash ng camera sa mukha ko.
Pagkatapos ay kinuha muna ni Erin ang trophy at ang bulaklak.
"Bes, good luck!" Sabi niya sa akin sabay kindat. Naramdaman ko namang may humawak sa kamay ko at iniharap ako sa kanya.
Si Eros.
Agad nagtilian ang mga tao nung ipululot niya ang kamay ko sa batok niya at inilagay niya ang dalawang kamay niya sa bewang ko kaya bahagya akong napalapit sa kanya.
Nakatingin lang ako sa mga mata niya. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman. Nakikita ko ang lungkot sa mga mata niya pero naiisip ko ang lahat ng sakit na idinulot niya sa akin. Yung nga panahong binalewala niya ako, yung hindi niya pagsipot sa akin sa music room, yung mga panahong masaya siya kasama ni Maxine habang ako naman ay lugmok na lugmok at naghihintay ng pagbabalik niya. Sumasakit na naman ang dibdib ko sa tuwing naiisip ko iyon.
BINABASA MO ANG
The Battle for Love
Fiksi RemajaNagmahal, nasaktan, naiwan, nagtiwala, natuto, nagmahal ulit.