Mag aalas onse na ng gabi ay wala pa rin si Theo. May meeting ata siya ngayon at mukang malalate nanaman siya ng uwi. Palagi siyang busy these days pero hindi naman ako nag rereklamo dahil trabaho niya iyon. Bukod sa pagiging Principal ay isa din siyang CEO kaya naiintindihan ko naman kung palagi siyang maraming ginagawa. Kaunting panahon na lang ay siya na ang susunod na tagapagmana ng pamilya niya kaya pinag hahandaan na niya ito.
Naka upo ako ngayon dito sa sofa habang nilalaro ko yung pusa naming si Kitty. Binili sa akin ito ni Theo dahil nag re-request ako sa kaniya nung nakaraan na gusto ko ng pusa. Kasalukuyan akong nanonood ng k-drama ngayon habang hinihintay ko siya. Habang nanonood ako ay bigla kong narinig ang busina ng sasakyan niya, hudyat ito na nandito na siya kaya agad akong tumayo sa kinauupuan ko para salubungin siya.
Nang buksan ko ang pinto ay agad niya akong niyakap. Agad naman akong nag taka dahil niyakap niya agad ako.
“It's so tiring baby. I miss you.” malambing na saad niya bago ko isinara yung pinto habang nakayakap pa din siya sa akin.
“I miss you too. Kumain ka na ba?” tanong ko sa kaniya bago ko siya hinalikan sa labi.
“I already ate baby. I want to rest now, let's go sleep na.” aniya ni Theo kaya agad kong pinat*y yung tv at pumunta na kami sa kwarto namin para matulog.
Nag palit muna siya ng pantulog habang inaayos ko yung kama namin. Gusto ko sana siyang tanungin tungkol sa mga ginawa niya mag hapon pero he look really tired kaya isinantabi ko na lang muna ito at kailangan na niyang mag pahinga.
Agad akong nahiga at lumapit siya sa akin bago niya ako niyakap.
“Baby...” pag tawag niya sa akin.
“Bakit?” tanong ko sa kaniya habang hinihimas ko ang buhok niya.
“May itatanong ako sayo. Be honest with me.” aniya niya kaya agad naman akong tumango. Bakit parang seryoso siya? May problema ba siya?
“Kung mag po-propose ba ako sayo, yes ang isasagot mo?” biglaang tanong niya. Agad naman akong napa isip dahil parang kakaiba yung tanong niya. Gusto na niya mag pakasal?
“Oo naman, bakit hindi. Mahal kita kaya papayag ako na pakasalan ka.” nakangiting saad ko sa kaniya.
“Kapag ba nagkaroon ako ng malaking problema iiwan mo ako?” muling tanong niya.
“Hindi kita iiwan. Tutulungan pa kitang ayusin ang problemang iyon.” sagot ko sa tanong niya.
“Kung makaka kilala ka ng lalaking mas better sa akin, ipagpapalit mo ba ako?” tanong niya.
“Hindi, bakit kita ipagpapalit kung kuntento na ako sayo. Hindi lahat ng babae ay kapag nakakita ng gwapo o mas mayaman ay iiwanan yung lalaking nagmamahal sa kanila.”
“I'm so lucky Klea. You're so kind and perfect, I don't even know if i deserve you. You're too perfect to be with someone like me, a self observe jerk.” hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Why would he say that?
“You're not a jerk Theo, may pinag dadaanan ka lang noon kaya ganun ang naging ugali mo. At anong ibig sabihin mo na hindi mo ako deserve? Is that your way of saying na ayaw mo na sa akin? Nakikipag hiwalay ka na ba sa akin?”kinakabang tanong ko sa kaniya. Ito na ba yun? Makikipag hiwalay ba siya sa akin?
“No no Klea. I will never do that. Bakit mo naisip yan, alam mo naman kung gaano kita kamahal.” saad niya bago niya hinalikan ang aking labi. Nawala lahat ng kaba ko nang sabihin niya iyon.
“I love you so much na handa akong gawin ang lahat ng gusto mo. Huwag ka sanang mag sasawa sa akin kahit ganito ang ugali ko. Seryoso ako sa sinabi ko, ikaw ang babaeng gusto ko pakasalan.” he said sincerely before kissing my hands. Hindi ko napigilan ang sarili ko at napangiti ako dahil sa kilig.
YOU ARE READING
Deal With Mr. Billionaire (Theorenz Damian MonteAlveroz)[COMPLETED]
Storie d'amoreKlea and Theo's Love Story 💜 Klearrah Lexie Callorez has long been inlove with their principal also his boss named Theorenz Damian MonteAlveroz. Handsome, tall, pointed nose and above all smart. Besides Klea there are many other women who like Theo...