LUDO POV
Tulad nga ng kanyang sinabi ay sumama ito sa aming dalawa ni Collan.
Hindi ito pumayag na umuwi kami kay Eros,bibisita lang daw kami saglit at pagkatapos ay iuuwi narin niya kami.
Napakaraming diskasyon ang naganap sa aming dalawa na sa bandang huli ay ako naman ang natalo.
Wala akong nagawa kundi ang pumayag sa mga gusto niya.
Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa kanyang isipan.Ayaw ko naman magtanong tungkol kay Mira natatakot kong malaman ang buong katotohanan.
Sa ngayon titiisin ko muna ang sakit na aking nararamdaman.
"Should we make a deal baby?biglang saad nito.
"Anong d-deal?tanong ko.
Hinila siya ni Azriel palapit dito,hinaplos niya ang mukha niya gamit ang kanyang hinlalaki.
"I will let you do whatever what you want,basta wag ka lang papahawak or papahalik sa lalaking 'yon,naiintindihan mo ba ako ill mio babmino!ipinalibot nito ang isang kamay sa bewang niya habang hinahaplos-haplos nito ang hita niya.
Nasa labas na sila ng bahay ni Eros,pababa na sana siya sa loob ng sasakyan ni Azriel ngunit pinigilan pa niya ito.
Inosente ko itong tinignan at dahang-dahang tumango.
"Perfect,lets go."
Inalalayan siya nitong bumaba sa sasakyan niya.Bubuksan ko na sana ang backseat upang buhatin ang natutulog kong anak ngunit inunahan na niya ako sa pagbuhat dito.
Pagkabuhat kay Collan ay lumapit ito sa akin, ipinalupot niya ang isang kamay sa aking bewang at naglakad na ito.
Katulad parin ng dati ay nakabukas ang napaka-malaking gate ng bahay ni Eros.
Pasimple kong inilibot ang aking paningin.
Napangiti ako ng makita ang mga bulaklak na aking tinutubigan tuwing umaga,napakaganda ng mga ito.
Nang tuluyan na kaming nakapasok sa loob ng bahay ni Eros ay nakaramdam ako ng kalungkutan at labis na pangungulila.
Si Eros ang nasa tabi niya ng mga panahong nalaman niya ang mga panlolokong ginawa ni Azriel.Siya din ang tumayong ama ni Collan.
Unti-unting namumuo ang mga luha sa aking mga mata nang maalala ko ang binitiwang kong pangako dito.
"Promise me my doll,kahit anong mangyari mananatili kayo sa tabi ko,kayo ang dahilan kung bakit naging makulay ang madilim kong buhay."
Pagkatapos niyang sabihin iyon ay pinaka-titigan ako nito.
"Pangako."mahinang sagot ko dito.
Tuluyang bumuhos ang aking mga luha ng maalala ko ang aking binitawang pangako na hindi ko natupad.
"Eros....."umiiyak kong tawag sa kanyang pangalan.
Sa pagtawag niya sa pangalan ni Eros ay siya ding pagbaba nito sa may hagdan.Magulo ang buhok nito at puno ng balbas ang kanyang mukha.
Halatang napapabayaan na niya ang kanyang sarili.
"Eros..."mahinang tawag niya dito.Hindi pa niya kami napapansin,dahil nakayuko itong naglalakad pababa sa may hagdan.
Naramdaman ko ang biglang paghigpit ng yakap ni Azriel sa aking bewang.
"Maam L-Ludo..."gulat na tawag ni Berta na kakapasok lang din sa loob ng bahay.
Tinignan ko ito at ningitian ng maliit,hindi ako makalapit dito upang mayakap ito dahil sa pagkakahigpit ng yakap ni Azriel sa akin.
"D-doll"tawag niya sa akin.
Dahan-dahan ko itong nilingon at ganun nalang ang aking gulat ng makita ko itong tumatakbong lumapit sa akin habang ang mga mata ay hilam sa luha.
Wag sana kayong magalit dahil napakabagal kong mg update.
Hindi naman po talaga ako writer,libangan ko lang po ang pagsusulat at paggawa ng istorya.Dahil dito nakakalimutan ko mga problema ko at pagod sa trabaho.
Maraming slamat sa mga matyigang paghihintay.Enjoy reading po😁❤️
BINABASA MO ANG
MAFIA OBSSESION (BOOK2)
SachbücherSa loob ng limang taon ay namuhay si Ludo ng tahimik kasama ang kanyang anak. Tuluyan na nga ba niyang kinalimutan ang nakaraan. Paano kung may muling magbabalik? Eros Del Fuego sa loob ng limang taon ay siya ang tumayong ama sa anak ng babaeng pin...