---
Pagkamulat ko nang aking mata, teka hindi pa ako patay?..really?.pero napaka imposible naman.
Kinapa ko ang kaliwang dibdib ko, pero wala akong nakapang sugat.. ngunit alam kong patay na ako.. hindi naman sa ayaw kong mabuhay ulit pero nagtataka lang naman ako kasi naman ikaw ba naman makaligtas kapa kaya sa ganoong sitwasyon?
At ito pa napapansin ko din na parang nag iba ata ang lokasyon ko kong saan kasama ko iyong tatlong pangit na sumusunod sa akin, pero ngayon ako nalang na mag isa dito sa kakahuyan..
Like seriously? Sa mapuno pa talaga ako nagising, di kaya itinapon ako nong tatlong pangit na iyon?
Pero bakit ganito ang kasuotan ko?
Nakasuot lang naman ako nang style Filipiniana Dress with slit sa left side nang legs with dirty color, napaka modern nang style na ito
Pero ang ipinagtataka ko ay hindi naman ako naka ganito noong pauwi na ako....
Hala nababaliw na ata ako....
I need to see other people para makapag tanong tanong na rin ako...
Baka sa subrang sabog ko lamang sa nangyari sa akin, dahil ata ito sa muntik nang mamatay kaya nakalog ata ang utak ko...
---
Lakad lang nang lakad, walang katapusang lakad ko na ito, hindi ko pa nga nararating ang dulo nitong gubat na ito... nakakalerki naman kasi.... kaya mu yan Crystal...
sana naman maymakasalubong akong tao dito...Super creepy pa naman ng gubat na ito, ang tataas ng mga puno, para na ngang lugar ni tarzan sa subrang taas ng mga puno, and take note pa naka paa pa ako habang naka suot nang ganitong damit...
Imagine guys, huhuhu bakit ba naman ako napunta sa sitwasyong ito... kong alam ko lang na mangyayari ang ganito.. sana hindi na ako pumunta pa nang mall para bumili ng damit para sa party...
Hala!! Oo nga pala kailangan ko nga palang umattend ng party... lagot! Kailangan kong bilisan ang paglalakad ko sa walang katapusang gubat na ito nang maka uwi na ako....
-----
Waaaaaaaaaaaaa!Kabayo!!!!! Nagulat ako nang mayroong sumulpot na tao sa harapan ko.... huhu kinabahan ako talaga nang subra.... bakit naman kasi kailangang sumulpot agad sa harapan ko eh, pwede naman akong tawagin diba? ...tsk
Binibining Kristal?? Ano po ba ang ginagawa niyo sa kagubatang ito???
Hala siya? Kilala niya ako? Aba! Pati ba naman dito sa kagubatan famous pa ako? Hmmm kunsabagay sino ba naman ang hindi makakakilala sa akin, kahit ata langaw kilala ako choss. Haha mahangin ba ? So what!..
Ahmm manong kilala niyo po ako?
Obious ba ang tanong ko? Eh gusto ko lang malaman kong bakit niya ako kilala diba? Para sureness.. baka niyan mamamatay tao pala siya... so bad ba? Sorna nadala lang ako doon sa tatlong pangit na iyon...tsk nanggigigil talaga ako sa mga pangit na iyon! Kapag talaga nakalabas ako dito sa gubat na ito hahanapin ko ang mga pangit na iyon at ipapatikim ko sa kanila ang bangis nang isang Hermosa!..Naku, Binibining Kristal Oo naman po, kilala po kita at halos lahat po dito sa ating lugar ay kilalang kilala ka at ang pamilya mo...(nakangiting sabi sa akin ni manong)
"Pero ano daw? Kilala ako at ang pamilya ko? Eh solo nalang ako eh at wala na akong pamilya.. nakaka kilabot naman si manong, pati ang pananalita parang kakaiba ah... mukhang nakakaisip na ako ng ibang bagay na mahirap paniwalaan, pero tama naman ang pagtawag niya sa pangalan ko Cyrstal, ako parin ito... alam ko na katawan ko ito... pero nakakaduda padin eh... dapat talaga patay na ako...
Hindi kaya......
Nareincarnate ako sa ibang katawan? Totoo ba talagang buhay ako???? Pero sa ibang katawan? Eh? Feel ko padin naman na akin pa itong katawan eh....
Haist kainis naman ,... matanong nga si manong kong ano ang apelyedo ko para masubukan ko kong nababaliw na ba ako o hindi...
Ahmmm pasensiya na manong, ahmm naligaw po kasi ako eh at saka iyong kasama ko eh nauna na sa akin...ahmm manong pwede ko ba po bang malaman kong ano ang apelyedo ko? Medyo nabaguk ho ata ang ulo ko kanina , ...hinabol ko kasi iyong kasama ko pero hindi kona naabutan...(palusot kong sabi )
Naku Binibining Kristal, malala ata ang iyong pagkabagok at pati ang inyong apelyedo ay inyong nalimutan, walang sinuman dito sa lugar natin ang hindi makakakilala sainyo, kayo po ay si Binibininh kristal hermosa....
"Pagkabanggit niya palang nang apelyedo ko ay tuluyan nang bumigay ang tuhod ko na kanina pang nangangatog sa kaba...
Hala! Litetal talaga akong nareincarnate?
Naalala kopa ang huling sinabi ko bago dumilim ang aking paningin..
Na kong mabibigyan ako ng isang pagkakataong mabuhay ulit ay akin itong pakakaingatan...So totoo talagang nareincarnate ako?....
Hindi kona namalayan pa ang sumunod na pangyayari nang biglang dumilim ulit ang aking paningin.....
Binibini!!!
Salitang huling aking nadinig.....
--------
BINABASA MO ANG
AM I REINCARNATED?(COMPLETED) Series'1
FanfictionIsa sa pinaka tanyag na modelo around the globe si Crystal, ngunit paano kong ang kaniyang katanyagan ay bigla na lamang mawawala na parang bula?.... Makakayanan niya pa kayang ipagpatuloy ang pangalawang buhay niya na wala na ang dating nakasanayan...