Chapter 27

54 2 0
                                    

ERIN'S POV


"Tita Celine pangako po mahahanap namin si Sophie." Sagot ko sa telepono bago ko ibaba ang tawag. Alas dos na ng umaga na pero hindi pa din namin alam kung nasaan si Sophie. Sobrang nag aalala na kami. Nandito kami sa bahay nina Zia, Nathan, Vince at Eros.

Kung sana hinayaan kong sundan ni Eros si Sophie hindi sana nangyari to.

Hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag may nangyaring masama sa kanya.

Sophie nasan ka na ba?


"Erin umupo ka muna nakakahilo ka e. Relax. Mahahanp din natin si Sophie okay?" Sabi ni Zia na pinapakalma ako. Kanina pa kasi ako lakad nang lakad ng pabalik balik e.

Umupo ako sa tabi niya at nagsimula ng pumatak ang mga luhang kanina ko pa pinipigil.

"Kasalanan ko to e. Kasalanan ko to. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa bestfriend ko." Niyakap ako ni Zia at hinimas himas ang likod ko.

"Tahan na Erin. Makikita din natin si Sophie. Wala kang kasalanan." Sabi ni Zia na pinapakalma ako.


"Putang ina mo wag mong sasaktan si Sophia!!!!!" Bigla na lang umalingawngaw ang napakalakas na sigaw ni Eros na kanina pang tahimik. Hawak niya ang cellphone niya at sigurado akong may kausap siya rito.

Nilapitan namin si Eros.

"Eros sino yun? Anong nangyayari??" Tanong ko sa kanya. Bakas sa mukha niya ang labis na kaba.

"Si King. Nasa kanya si Sophie!"

SOPHIE'S POV

Napakasakit ng ulo ko! Unti unti kong idinilat ang aking mga mata.

Teka? Nasaan ako?

Akmang tatayo na ako ng mapansin kong nakagapos ako sa upuan.

Whuuutt?????

"Tulong! Tulong! Tulungan niyo ako!!!!" Buong lakas kong sigaw, nagbabakasakali akong mag makakarinig sa akin dito. Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung nasaan ako. Pakshit!

May narinig akong mga yabag ng paa patungo sa direksyon ko. Unti unti ng bumuhos ang mga luha ko dahil sa sobrang kaba!

Hanggang sa nakita ko na siya.

"Hayop ka King! Pakawalan mo ako dito! Wala akong ginagawang masama sayo! Hayop ka!" Sigaw ko sa kanya at nakita ko naman ang pag ngisi niya.

Lumapit siya sa akin at hinaplos ang mukha ko. Ewww!

"Good morning princess!" Mahinahon niyang dabi sa akin habang hinahaplos ang pisngi ko.

Hindi ko na masikmura ang ginagawa niya kaya dinuraan ko siya sa mukha!

Agad naman niya akong sinampal ng ubod ng lakas dahilan para mapatumba ako sa sahig. Ramdam kong dumudugo ang ilong ko. Sobrang sakit! Hayop siya! Hindi ko na mapigilan. Napaiyak na lamang ako dahil sa sobrang sakit. Ni minsan ay wala pang nakakagawa sa akin noon. Kahit ang mama ko ay hindi ako pinagbubuhatan ng kamay.

Hinawakan niya ang pisngi ko ng sobrang diin dahilan para kumirot ang pasa dito dulot ng pagkakasampal niya sa akin kanina.

May hawak siyang cellphone at sigurado akong may kausap siya!

"Eros hawak mo ngayon ang Sophia mo. Pumunta ka dito sa abandonadong building malapit sa Xiavery." May halong pang aasar niyang sabi.

"Eros! Eros tulungan mo ako! Eros!!" Buong lakas kong sigaw. Sigurado akong naririnig niya ako. Sobrang kinakabahan na ako dito. Sana tulungan niya ako.

The Battle for LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon