CHAPTER 2
Hindi ako makapaniwala! Hindi ako makagalaw! Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Kung nandito lang si Tanner ay panigurado tatawanan ako at kung nandito si Serene ay panigurado vinideo-han na ang reaction ko. Para akong napako sa kintatayuan ko, ganito pala ang mga nababasa ko sa libro. Ang akala ko ay hindi man iyon totoo at masyadong in-overact lang ng writer ang mga sinusulat niya pero heto ako ngayon–nararanasan kung ano man ang nabasa ko. Ngayon ko napatunayan na totoo iyon! Halo-halo ang emosyon ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko.
Ang gwapo. Ang gwapo rin ng boses. Ano kayang mangyayari kapag naging boyfriend ko na siya?
Nakatingin lang ako kay Jackson habang papalapit siya sa akin. Hindi ko alam kung nag-imagine lang ako pero sakto ang pag-hangin para mahawi ang kanyang buhok ng kaunti. Bagay na bagay ang frame ng salamin niya sa kanyang mukha. Hindi ko alam kung paano tumama ang sinag ng araw sa kanyang balat na siyang nagpadepina sa pagiging moreno niya. Nakangiti siya na siyang lalong nagpapatunaw sa akin. Ang tanging hiling ko lang ay sana hindi naka-awang ang aking bibig dahil hindi ko na rin maramdaman at hindi ko na mawari kung anong nangyayari sa akin.
All I know was him. Walking in front of me with a smile on his face that made my world stop for a minute.
"Huy!" Pagtawag niya nang makalapit siya sa akin. Bigla akong natauhan kaya agad ko siyang nginitian na para bang hindi ko siya pinagpapantasyahan sa isip ko kanina.
"Ah???" Pagmamang-maangan ko kahit na alam ko na ang pangalan niya. "Sino ka ulit?" Tumawa akong bahagya para magpanggap na hindi ako interesado sa kanya kaya nakalimutan ko ang pangalan niya. Napahawak siya sa kanyang batok dahil sa tanong ko na para bang nahihiya.
"My bad," nakampucha Englishero pala si idol e. "Jackson," pagpapakilala niya tiyaka niya nilahad ang kanyang kamay. "Alvarez," pagbanggit niya pa sa kanyang apelido.
Tinanggap ko ang kanyang kamay at nang magdikit ang aming palad ay para bang may kuryenteng dumaloy sa aking katawan. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, hindi ko alam kung kukuhanin ko na ba ang kamay ko o magpapakilala na ako o huwag ko nang bitawan ang kamay niya. Magaspang ang kamay niya katulad ng ibang lalaki pero wala na akong pakialam dahil kaya ko naman hawakan hanggang ilang oras pa iyan! Basta kamay niya!
"Tiffany Grace," pagpapakilala ko kahit na alam kong kilala na niya ako hindi lang dahil ako ang class representative sa block namin kung hindi narinig kong tinawag niya ang pangalan ko kanina.
Sigurado ako na tinawag niya ang pangalan ko at hindi ako nagde-delusyon dahil bago pa ako maging delusyunada ay ang boses niyang tinatawag ang pangalan ko ang mga huling salitang narinig ko.
"Yeah, I know." Pagkumpirma niya. Kainis, bakit ba siya laging nakangiti? Nakakahulog naman kasi ng panty iyong ngiti niya oh!
"Hmm? Why? May problema ba?" tanong ko sa kanya. Bahagya siyang natawa tiyaka niya nginuso ang mga kamay namin na magkahawak pa rin. Napaawang ang labi ko sa gulat at mabilis kong kinuha ang kamay ko dahil hindi ko namalayan na hindi ko pa pala ito nabibitawan. "Oh sorry, I didn't notice." Palusot ko, ewan ko kung naniwala siya pero tumango siya sa sinabi ko.
If Freud was here and alive, he would probably say it was my hidden desire.
"Ah eh," muli niyang hinawakan ang kanyang batok na para bang nahihiya. And I find him cute when he's doing that. "Wala pa kasi akong ka-group sa biophysio, baka pwedeng maki-group?" nahihiyang tanong niya.
"Oo naman!" mabilis na sambit ko dahil baka magbago pa ang isip niya. Mukhang nagulat siya sa biglaang pagtaas ng boses ko kaya umayos ako. "I mean, pwede naman. Basta hindi ka free loader!" pagbibiro ko kahit na alam kong hindi siya magiging free loader.
BINABASA MO ANG
Midnight Change
Teen FictionIn the realm of academia, Tiffany Grace stood tall as a relentless pursuer of knowledge, her thirst for academic validation insatiable. Yet, there was a peculiar aspect to her scholarly journey-a distinctive absence of competitiveness. Tiffany never...