A/N: paalala lang po, girl's POV po ito. Itatry kong gumawa sa boy. Thanks! Enjoy reading :)
----"Shona shona shonaaaa! Papicture naman oh!"
"Ate shona hello po!"
"Kyaaaaah shona idol ko po kayo kyaaaah!"
"Ep ep ep! Tumabi kayo jan. Ako lang dapat ang sumusunod kay shona kaya magsialisan na kayo!"
"Yabang naman. Kala kung sino. Gwapo ka lang dude pero di ka gusto nyan!"
Tsk. Ayan nanaman tayo -__- kainip naman yang si nathan. Makaalis na nga.
Ang daming umaaligid. Ugh pagod pa naman ako galing practice. Andito ako ngayon sa school, practising for our dance troupe. Ano ba yan ang init. Dami pang tao tsss. Pumunta nalang ako ng locker para magbihis.
O___O
Eh sino ba namang hindi magugulat sa dinami-dami ng flowers, chocolates, letters at kung ano-ano pa.
Pero teka, may isang bulaklak dun na kakaiba ah. Kinuha ko yun and wow. It's a stock flower. Which means bond of affection. Oo, alam ko meaning ng mga flower. Bakit? I.. I just know. Kinuha ko yung damit ko and wait. May nahulog na parang letter. Binuksan ko,
"Stock. I know you'd guess that flower. So intelligent as ever.-NDC"
Wow. Sino naman kayang magbibigay nun? Tumingin ako sa paligid at wala naman masyadong tao dahil mejo pagabi na.
"BOO!"
"AY KABAYO! ANO BA NAMAN YAN NATHAN! Manggugulat ka nalang eh halos himatayin pa ako! Letche!" Kainis naman kase. Walang tao tapos pagabi na. Eh sino ba namang hindi mag-eexpect ng multo dito no?
"HAHAHAHA! sorry naman. Ang cute mo kase eh. Pwede bang akin ka nalang?"
>___< oo gwapo siya pero di ko siya crush ang yabang lang!
"HEH UTOT MO!" Ayy teka. Nacurious naman ako agad kaya "Nathan! Uhh. Ikaw ba nagbigay nito? Parang nakuha kase ang pansin ko nito eh."
At saka NDC yung initials parang sa pangalan niya lang.. Nathan Daniel Colton.
"Huh?" Lumapit siya ng konti at tiningnan ang flower kasama nung letter. "A-ah ako bumigay nyan! Hehe sweet ko no?"
Ahh siya pala.. parang may part saken na ayaw maniwala eh."Ah sige nathan magbibihis na muna ako." Ang weird lang eh. Hindi naman kase mahilig si nathan sa flowers. Pagtalikod ko, parang may nakita akong gumalaw na anino ba yun or something. Hmm bahala na.
I forgot to introduce myself, I'm Shona Reyes. 16 years old. My father is one of the well knowed private investigator and my mother is the CEO of some of the branches of banks here in the philippines. And at sa napapansin niyo, yung kasama ko kanina is Nathan Daniel Colton. He is a family friend kaya magkakilala kami.
Enough of that. Lumabas na ako at lumiko sa parang hallway na kung saan may nakita ako.
Teka.. may panyo. Eh? Kanino namna kaya to? NDC. Ah baka kay nathan to. Ibibigay ko nalang to sakanya kinabukasan.
Kinaumagahan ay ginawa ko na ang daily routines ko and duniretso na sa school, andaming nakaabang ano ba yan. Umagang umaga eh.
"hello po ate shona!
"Shona pansinin mo naman ako idol!"
"Shona myloves flowers for you!"
Ganyan nalang araw araw. Seriously di ba sila napapagod? Tsss. Ngumiti nalang ako sakanila. May napapansin lang akong lalake ha, andun siya sa malayo parang nakatingin ata dito. Oh well makapasok na nga.
*TIIIINGGGG* (A/N: bell yan wag kayong ano d.--b)
Haaay salamat at uwian na! At dahil nararamdaman kong may mayabang na paparating binilisan ko na ang lakad ko.
"Teka lang shona! Wew ang bilis mo namang lumakad. May lahi ka bang kabayo?" -nathan
-_____-
*pak*
"Aray naman shona oh! Kung maka-hapak wagas wagasan!" Hah! Dapat lang yan sayo! Ay oo tama.
"Nga pala, panyo mo oh. Naiwan mo ata sa hallway kahapon." Binigay ko naman sa kanya at mukhang nagtaka pa siya.
"Oh bakit? Hindi ba sayo yan?" Sakanya naman ata yan eh siya lang naman ang NDC na kilala ko.
"Ah o-oo akin to haha!"
Pumunta ako ng locker room para ilagay books ko dun. And may flower with weird note nanaman. Zinnia yellow. Huh. Nice try nathan.
Umuwi nalang ako at kinausap si dad. Pumunta sa bed at hinawakan ang flower.. hanggang sa nakatulog na ako.
*blackout*
Maaga akong nagising at pumunta na ng school. Gosh ang aga pa 5:45 eh andito na ako sa school. Ginawa ko na ang mga dapat kong gawin at dumeretso na sa classroom. Hmm matulog nalang muna siguro ako. Ang aga pa eh.
May naramdaman akong gumalaw pero antok pa talaga ako. Tulog ulit.
"Haaa? Anong oras na?!" Tumingin ako sa orasan ko at 7:00 pa lang naman. Whoo kakagising ko lang kase. At tingnan mo nga naman ang bumungad saaken. Si nathan na nasa harapan ko ngayon. At may bulaklak pa ah. Lily white.
"Anong meaning nitong flower nathan?"
"Ah yan? Ano. Uh. Friendship. Oo tama friendship yan. Ang galing ko no? Haha"
Liar. Lily white means purity nathan. So hindi ikaw si NDC.