Natapos ang pagkain namin ni Aerone at dumiretso na kami agad sa room. Nakakapanibago na wala si Shina dito sa paligid. Gaya nga ng sabi ko may bibilhin pa ako so nauna na akong umalis at binili ang pencil at eraser. Yep pencil at eraser. Mag-eexam na kasi, I want to give Aerone this. Good luck lang.
5:53PM
Nandito na ako sa Blood Cafe with my reviewer and present. Nag-order muna ako ng maiinom para sa'kin habang naghihintay. Free wifi dito pero kabugnot, walang batt phone ko. Nakalimutan ko yung power bank. How can I text Aerone now?
10 minutes, 15 minutes, 30 minutes, 1 hour
Wala pa rin si Aerone, nakalimutan niya ba? Tsk. Sige maghihintay ako, mga one hour pa siguro.
1 hour
Wala pa rin, nakakainis naman! Ano ba yan! Sinabi ko ngang namimiss ko siya pero nasaan ba siya? Wala. Nowhere to be found. Hay. Napasandal na lang ako sa inuupuan ko. Gusto kong maiyak pero hindi— hindi ito tama. Ano ba ako sa kanya? Kaibigan hindi ba?
Namimiss ko na yung Aerone na nakaglasses at di contacts, yung Aerone na mapimples at yung Aerone na lagi kong nakakasama.
Yan tayo e. Masyado tayong naattach sa isang tao kaya di natin na isip na posible pala silang mawala kaya hindi natin naihanda ang sarili natin sa ganong bagay.
Palabas na ako ng bigla kong nakita si Aerone na papasok— with someone. Ayoko na. I quickly turned my back at lumabas sa kabilang door ng Cafe. This is too much. Siguro I need to focus on my studies muna. Wala lang naman ako sa kanya at wala rin namang kami.
BINABASA MO ANG
Can You Be Mine?
Teen FictionKagaya ng ibang stories, cliché lang din ang akin. Pero imposible namang magkaparehas kami ng ending diba?