BELLA P.O.V
Hindi pa sumisikat ang araw nagising kami ni Lolo sa umalingaw-ngaw na putok ng baril sa di kalayuan.
Isang engkwentro na naman ng mga militar at rebelde ang nagaganap. Ang ganitong pangyayari ay di na bago sa aming mga taga Balencia.
Halos buong buhay ko dito sa bukid ay yan na ang madalas na nangyayari. Kung minsan nga ayaw ko nalang magbukas ng radyo dahil ang palagi lang naman laman ng balita ay ang walang katapusan bakbakan at patayan ng mga rebelde at militar.
At madalas rin maraming sibilyan ang nadadamay sa gulong dinudulot nila sa bayan ito.
" Lo, hangang kelan ba tayo mamumuhay sa ganito? "
" Hangat meron mga nasa posisyon ang sakim sa pera apo hindi matatapos ang gulo sa bayan ito. "
" Hindi ba sila napapagod lo? Hindi ba sila naawa? Mga inosenteng tao nadadamay sa walang katapusan patayan dito sa atin. Para saan, sa kapayaan? Hindi naman ito ang kapayaan na alam ko. "
Hindi ganito, na wala kang kalayaan at bawat kilos mo ay dapat naka ayon sa gusto nila dahil kung hindi babalikan at papatayin ka nila.
Na dapat lahat ng hinihingi nila dapat mo ibigay dahil pag hindi papatayin ka nila.
Hindi ganito ang kalayaan alam ko.
Malayong malayo sa ganito.
"Apo, sumunod nalang tayo sa gusto ng kilusan. Wala naman tayong laban sa kanila. Gusto mo bang mangyari saatin ang nangyari sa pamilya ng mga kaibigan at kaklase mo sa bayan. "
Tama si Lolo, yan ang masakit na katotohan, nakakulong kami sa gubat na ito kasama ng kilusan.
Maswerte na nga lang kami dahil hindi nila basta basta masasaktan si Lolo.
Dahil isa siyang mangagamot dito. Kailangan nila si Lolo lalo't malayo kami sa bayan at hindi din sila pwede sa mga hospital sa bayan.
Ang pagiging mahusay na albularyo ni Lolo ang tanging nag iisang dahilan kaya hindi kami ginagalaw ng rebelde.
BINABASA MO ANG
ARROWS OF THE FOREST
RomancePROLOUGE: Do you know what the most terrifying aspect of life is? Ito yun katotohan sa isang iglap pwedeng magbago ang lahat. Pwedeng masaya ka ngayon pero bukas hindi na. Pwede din buhay ka ngayon pero bukas pinaglalamayan kana. What are you scare...