"Isang pamilyar na tao."

1 0 0
                                    

Camille's pov:

Ilang taon nang lumipas, nasa art school na ako na gusto ko. Napa isip na naman ako sa
kanta. Ilang taon na kaming walang komunikasyon pagkatapos nang sinabi niyang maghiwalay muna kami para makapag focus kami dalawa sa aming pag-aaral.

"Hi miss, nakuha na po ba tung upuan nato?" Tanong nang isang pamilyar na boses.

Napatingin ako sa lalaki, napakapamilyar nang boses at mukha niya. "Ah, no po, upo kalang." Sabi ko, may kasamang ngiti.

"Thank you, Miguel nga pala." pakilala niya. Bakit ang pamilyar niya? Parang.. nakita ko na siya.. "Wait, aren't you that famous fashi-" Sabi ko, pero tinahimik niya agad ako.

"Oo, ako nga yun, pero wag kang maingay, naka normal outfit nga ako ngayun eh." Sabi niya. "Wag kang maingay ulit na nameet mo ako ah."

"Okay sure, pero, give moko ng number mo." Sabi ko, nakangiti nang kinuha niya phone ko at sinave yung number niya sa phone ko. "Thank you, hehe."

Pagkatapos nung araw na yun, naging kaibigan kami ni Miguel, pero ang hindi ko namalayan ay siya nga yung Miguel ko, yung Miguel na hinintay kung ilang taon upang makilala ulit.

"Miguel naman! There you go again with your pangaasar." sabi ko, nung nasa tabing dagat kami kasi di pa naman kami busy kasi on-break siya at summer na din kaya wala din akong klase. "Aminin mo na kasi, may gusto kaba dun sa Art School na pinasukan mo?" tanong niya ulit.

Lalaking to' gusto ata masapak. "Sabing no nga ehhh." sabi ko sakaniya. "Boring mo naman." sabi ni Angelo. "Eh what about you ba?" napatanong ako. "Wala siya sa school. Ano, ex ko. Oo, nakalimutan ko na ano mukha niya pero, boses, at pangalan niya hindi pa."

"Ahh, what's her name pala?" tanong ko, obviously curious ako eh. "Camille din, kaparehas nga kayo eh." sabi niya. "Ayyy. I have madaming same name pala." Sabi kong napatawa nalang. "Conyo mo talaga." sabi niya.

At nung nagdidilim na yung langit, nagsiayos na kami at umuwi. Tagal namin dun, para na akong sunog na bbq. Pagkatapos niyang humatid sakin, naligo nalang muna ako before ako kumain, at natulog.

Third Person Pov

Sa madaling umaga, si Angelo ay tinawagan si Camille na tulog na tulog pa.

"Ehhhh, Camille gumising ka nga." sabi ni Migo sa sarili niya. "Puntahan ko na nga lang." Pumunta si Migo sa apartment ni Camille at tinawag siya. "Camille!!" sigaw niya. "Who's that ba?" sabi ni Camille na kakagising lang, pumunta siya sa pinto at binuksan. "Camille, Migo to, ay luh, ligo ka muna gagi! Kape tayo." sabi ni Miguel.

Naligo na si Camille at nagsiayos sa sarili. Kinuha niya yung bag at yung cellphone niya. Pumunta na sila sa isang coffee shop dun malapit kung saan si Miguel nagtratrabaho.

"Ang pretty dito Migss!" sabi ni Camille. "Dito ko dinala ex ko nung panahon na kami pa, at nung alam ko pa saan siya." sabi naman ni Miguel.

'Ah. Ex.' Napaisip si Camille.

Umupo sila sa lapit nang bintana. Favourite spot ni Camille. Napangiti si Camille nang umupo sila sa banda bintana, napakaganda pa nang view. Pagkatapos nang umupo sila, merong waiter na lumapit sa kanila.

"Good morning, Ms. Camille at Mr. Miguel." sabi nang waiter, "Usual po?" tanong naman. 'Ay? How'd she know my name, i only went here recently ahh?' sabi ni Camille, magkaibigan sina Precious at Camille noon, kaya nakilala pa niya sina Camille at Miguel. "Ay.. ano yes, usual lang." sabi ni Camille. "Sakin nalang din, Kaye. And drop the formalities, magkaibigan naman tayo." sabi naman ni Miguel nang nakatitig sa work tablet niya. Naghintay sila nang ilang minuto, at umabot din ang kanilang mga inorder. "Ilan lahat Kaye?" tanong ni Miguel. "620 pesos nalang." sabi ni Precious. Binayaran ni Miguel yung mga pagkain nilang dalawa. Kahit wala naman naguusap, okay lang sa kanila at walang awkwardness, kahit minsan, titig lang sila nang titig sa isa't isa.

"So.. What happened between you dalawa ng ex mo?" tanong ni Camille nang kuryusidad.

"Nag-break kami, sabi niya na focus daw muna kami sa studies namin, ilang taon na ang lumipas, di ko na alam kung kumusta na siya. Sabi din nila na aksidente daw siya." sagot ni Miguel.

"Ah.. Makita mo lang yan uli, maghintay kalang." sabi ni Camille.

(Creator: Nasa harap mo na siya!!!)

"Yan nga point eh, di ko na ma alala ano mukha niya." Sabi naman ni Miguel. Napahinto si Camille sa pag iinom niya sa kape niya. "Don't you have a picture niya? Kahit one lang?" tanong neto.

"Wala na, bagong cellphone 'to eh." sabi naman ni Miguel. "Even camera ba?" tanong ulit ni Cami. "Ay, oo nga may isang camera pa ako dun sa kwarto, nga lang wala yun battery. Pagkatapos neto bili muna tayo ng battery para maipakita ko." sabi ni Miguel.

Pagkatapos nilang uminom at kumain dun ay dumeritso sila sa isang convenience store at bumili ng dalawang battery packs.

Pumunta sila sa bahay ni Miguel at hinanap na ni Miguel ang camera. Nung nakita niya na ay inilagay niya and battery. Pumunta siya sa photos at nung nakita niya ito, nakita niya lang si Camille na nasa harap niya.

"Nakita mo na ba?" Tanong ni Camille, tumingin si Miguel sakanya na naka tulala. "Oo, nakita na nga." Sabi ni Miguel sakanya habang nakangiti.

Author's Note

Ehe, hintay muna kayo ng mga araw para makapag update ako neto. Let curiosity kill you ~ Double meaning yung "Oo, nakita na nga" no? hehe.  - Kamile/Inksly 💗

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 21 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Minamahal kong estranghero. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon