Lumaki sa isang marangyang pamilya ang magkakapatid na sina France Allaine “Allaine” (20 year old), Francesca Amithy “Cesca” (18 years old) at Francis Angellie “Angel” (15 years old). Galing sila sa angkan ng mga Madrigal, isa sa mga angkang kinikilala at ginagalang sa buong Pilipinas at maging sa buong mundo. Dahil marahil sa mga ari-arihang pagmamay-ari ng mga ito. Isa lang naman sila sa mga nagmamay- ari ng mahigit 10 malalaking kompanya dito sa Pilipinas at mahigit kumulang 15 kompanya sa labas ng bansa.
Lumaki ang tatlo na lahat ng naisin at gustuhin nila ay nakukuha at nasusunod. Mga Prinsesa ang turing sa mga ito. Ngunit isang pangyayari ang sumubok sa mga magkakapatid ng bilang namatay ang mga magulang nila sa isang aksidente. Isang pangyayari na magpapatatag sa pagsasamahan nila bilang isa. Kinakailangang umupo bilang Presidente at CEO ng kompanya nila si Allaine. At sa murang edad ng dalawa (Cesca at Angel) kinakailangan nilang magmanage sa ilang kompanya nila bilang tulong sa kanilang ate...
Isang araw... Sa bahay ang mga ito...
Angel:
Grabe I can’t take it any more... (bilang uupo sa sofa)
Almost 3 buwan na mula ng mamatay ang kanilang mga magulang.
Cesca:
Sino ba ang kakayanin pa ito... Grabe nakakapagod na, nakakastress pa... (Bigla na rin itong uupo na para bang pagod na pagod)
Angel:
Hindi pang puwede ipautos nalang to, pipirma nalang tayo for approval.
Biglang darating si Allaine dala- dala ang mga papeles na dapat pa niyang pirmahan. Narinig niya lahat ang pinag- uusapan ng kanyang mga kapatid.
Allaine:
Kung puwede nga lang ang ganun noon ko pa yan ginawa (biglang napatingin ang dalawa sa kapatid) Kung ganun lahat kadaling gawin ang mga sinabi nyo, matagal ku nang ginawa. Pero hindi puwede eh.
Cesca:
(kita nila sa mga mata ng kapatid ang hirap na dinadaanan nila ngayon) Ate! (Concern)