BCWMH: Nic-Nik Love Story

1.7K 9 2
                                    

After the prom, naging close sina Nicolo and Nikki. Kahit na pangasar itong si Nicolo, nasasanay na si Nikki. Madalas na silang magkausap at napapansin ito ni Luke pero hindi nya ito pinapakeelaman. 

"Good morning Nik-nik! Kamusta naman ang araw mo?" -Nicolo

"Ayun, ginising mo lang naman ako sa maganda kong panaginip." -Nikki

"Ahh... Bakit? Ako ba panaginip mo kaya maganda?" 

"You're so G-R-R-R talaga Nicolo! Wish mo naman ikaw yung panaginip ko!"

"Bakit hindi ba pwedeng mangyari yon? Ikaw nga eh bumibisita ka."

"Bumibisita? Where naman?"

"Sa panaginip ko! Sa panaginip ko nga lagi mo akong nginingitian."

"Whatever with the capital W!"

"Bakit hindi ka ba naniniwala na ikaw yung panaginip ko?"

"Hello! Ako magiging panaginip mo? There are millions of girls to be dream with."

"So.... Selos ka naman?" xD

"G-R-R-R ka talaga! Mamaya na nga! magaayos pa ako!"

"Oo nga pala noh! Friday pala, may pasok! nakalimutan ko ha! Ikaw naman kasi Nik eh!"

"And why do you blame me naman? It's not my fault that you're late."

"Kasalanan mo ikaw kasi natakbo sa isip ko!"

"Whatever Nicolo! magre-ready na ako for school!"

"See you later beautiful girl! Ingat ka ha!"

"Whatever!"

Nagmamadaling nagayos ni Nikki. Kahit na mataray si Nikki may maliit na syang nararamdaman kay Nicolo. Ayaw lang aminin ni Nikki sa sarili nya na naiinlove na din sya kay Nicolo.

.................

BCWMH: Nic-Nik Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon