SCARLETT RED P.O.V
Nasa Café ako ngayon, tumutulong kumuha ng orders ng mga tao at magprepare. Hindi naman kulang at kakaunti ang empleyado namin ngunit gusto ko lang tumulong.
Marami rami tao ngayon dahil uwian ng mga estudyante mula sa paaralan na malapit sa 'min, tuwing uwian nga ay dumederetso sila dito sa Café namin para gumawa ng projects at assignments nila. Many people compliment our Café dahil maganda raw ang ambience rito.
“Hey Scar!” Tawag sa 'kin ng pamilyar na boses. Si Nathalie!.
Kumaway ako saka ngumiti sa kaniya. “Uy!”
Lumapit ako sa kaniya na naka apron. Niyakap namin ang isa't isa at ngumiti.
“Punta ka mamaya sa bahay ko, may ikekwento ako” wika nito saka mahinang tumawa.
Tumango ako. “Sige ba, pero magpapaalam muna ako kay Daddy. Baka pagalitan ako eh” sagot ko.
“Sige”
Niyakap muna namin ang isa't isa at dinala siya sa isang bakanteng upuan at doon kami nag-usap.
“Hindi ba pwedeng dito na lang natin pag-usapan 'yon? Baka 'di ako payagan eh” Tanong ko.
“Ako bahala, ako magpapaalam sa 'yo” sagot nito confidently.
Natawa ako. “Tapang ah, 'di ba takot ka kay Daddy?” natatawang tanong ko.
Nawala ang ngiti nito sa labi ng maalala na takot nga talaga siya kay daddy simula College. Strikto kasi si Daddy at ayaw niya ako napupunta sa mga magkakaibigan na tanga, eh tanga rin naman ako.
“Change plan.. Sige dito na lang” sambit niya saka huminga ng malalim. “Wala ka bang balak mag boyfriend?” seryosong tanong nito.
Napataas ako ng kilay. Boyfriend? Lalaking kaibigan? O boyfriend na boyfriend talaga yung may kiss and hug?.
“Panong boyfriend?” Tanong ko sa kaniya.
Napasimangot siya at bumagsak ang balikat niya.
“Yung mag kiss and Hug” sagot nito.
Napa ahh nalang ako sa sinagot niya. Wala pa nga eh, lahat kasi nang nanliligaw sa 'kin natatakot dumaan kay Daddy kaya ayan tuloy No Boyfriend since Birth.
“Wala.. Mahihina kasi lahat nang nanliligaw sa 'kin eh, naduduwag kay daddy” sagot ko.
Napabuntong hininga na lang siya. “Pwede ka naman na mag boyfriend ah? 'Di ba sabi ni tita Christy sa 'yo na pwede ka nang mag Boyfriend kapag twenty-five ka na?”
Tumango ako. “Oo pero kailangan pa rin ng pahintulot ni daddy eh”
“Ngi, para ka namang fourteen years old sa lagay mong 'yan. Kausapin mo kaya?” Suggestion niya.
Napailing ako at tumingin sa kaniya. “Ikaw na lang kaya mag Boyfriend mas excited ka pa kasi sa 'kin eh” sagot ko.
Natawa siya sabay umismid sa 'kin.
“May irereto kasi ako sa 'yo, or kung gusto mo magset ako ng blind date para sa 'yo?” Suggestion nitong muli.
Napairap na lang ako at tumayo sa kinauupuan. “Hay nako!. Bahala ka na nga diyan, priorities muna bago Jowa!” wika ko rito at pinag-cross ang dalawang kamay ko. “Wala pa 'kong spare time sa mga ganiyan at hindi pa ako handa. Saka na lang” dagdag ko.
“Saka na lang pag ano? Pag matandang kuba ka na?” sarkastimong sagot nito.
Sinamaan ko siya ng tingin. “Love can wait nga raw 'di ba?”
BINABASA MO ANG
Darker Than The Darkest Shade Of Black - Mavros Trilogy 1 (On Hold)
Akční(On Hold) Darker Than The Darkest Shade Of Black - Mavros Trilogy For Darcel Blade Mavros he thought that his life would be only filled by killing and hurting people. He thought that his life would be fully focused on being merciless to others and...